KABANATA 60 MARIS SANDOVAL ( POV ) KINABAHAN AKO HABANG TAHIMIK na nagmamaneho si ninong. Hindi ko kasi alam kung galit ba siya sakin dahil 'di niya ako kinikibo kanina pa simula ng umalis kami sa bahay ni Lyka. Nanglalamig tuloy ang mga palad ko at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang palihim na napapalingon dito. Hindi kasi ako sanay sa kanya na ganito si ninong. 'Yung tahimik at hindi ako kinakausap. Kinakabahan ako kapag ganito siya. Siguro galit siya dahil pinahiya ko ang EX niya. Napaingos naman ako ng maalala ko ang nangyare kanina. Masyado kasing bida bida, wala na nga sila. Huminga ako ng malalim saka lumingon kay ninong. Kailangan kona siyang kausapin para malaman ko kung galit siya sakin. " Mamaya na tayo mag-usap." Rinig kung sabi ni ninong ng mapansin ata na kanina

