KABANATA 09 MARIS SANDOVAL ( POV ) HINDI AKO SINAMA NI NINONG dahil masakit daw ang pa ko kaya iniwan niya ako. Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko at hindi makalabas ng bahay dahil nagpapanggap nga ako kainis. Kailangan kung panindigan para hindi magalit sakin ang ninong ko. Nag-cellphone na lang ako habang nag-iiscroll sa EFBI ko. Mamaya uuwe na sina nanay kapag tanghali na dahil dito sila nananghalian at babalik lang sila sa bukid pagdating ng alas tres ng hapon para magtanim ulet. Wala naman silang amo dahil lupa namin iyon na bigay ng tatay ni ninong. Nagtatanim sila nanay at tatay doon ng mga gulay. Tapos kapag tumubo na ay may aanihin kami at ibebenta sa palengke. Minsan naman ay naglalako kapag gusto ko, hindi naman ako nahihiya bagkus ay nauubos pa nga dahil sa daming manyakol

