KABANATA 84 MARIS SANDOVAL ( POV ) MASAMA ANG MUKHA KO HABANG masama ang loob ko kay ninong dahil 'di na naman niya ako pinayagan lumabas kasama ni Miggy. Para bang magulang ko siya kung umasta. Pumunta si Miggy sa bahay ni ninong para ayain akong lumabas dahil aalis siya patungo sa maynila ngunit hindi ako pinayagan, kainis. 3 days na akong naka-kulong sa bahay ni ninong para bang preso. Ayaw niya akong payagan lumabas o kahit manlang sa baba. Naiinis na ako dahil 'di ko manlang magawa ang mga gusto ko dahil ayaw akong payagan ni ninong. Nababadtrip na ako sa ka dramahan niya. " Oh, ang sama ng mukha mo ah? Anong nangyare sayo?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si kuya Daniel. Nandito ako ngayun sa terrace habang nakatingin sa lupain ng ninong ko. Wala si ninong at bumaba m

