KABANATA 71 NINONG ANTHONY ( POV ) PAGDATING SA BAHAY NILA NANAY ay kumatok ako sa may pintuan kahit bukas iyon. Palagi naman bukas ang pintuan nila tuwing umaga at wala naman pumapasok doon. " Nay?" Tawag ko pa kasi hindi ko alam kung nasa bahay na ba sila ngayun. Umuuwe sila kapag magtatanghalian na sila sa bahay at kumakain muna. Hindi ko rin alam kung si nanay o si Maris ang nagluluto. Umaasa ako na sana makita ko ngayun ang dalaga. Namimiss kona kasi siya. " Anthony, ikaw pala 'yan." Sabi ni nanay ng makalabas ito ng kusina. Pumasok naman kami sa loob ni Daniel saka nag-manong kay nanay. " Mabuti napa-dalaw kayo? Aba, hindi kana napunta dito." Parang nagtatampo na saad niya sakin. " Sorry po, nay. Busy lang po sa pagbubungkal ng lupa para makapag-simula ng magtanim." Nakangiti k

