KABANATA 67 NINONG ANTHONY ( POV ) NAISIPAN KUNG PUMUNTA KINA nanay dahil ilan araw na ako hindi pumupunta sa kanila simula ng lumipat ako sa bahay ko. Namimiss kona sila at ang mga luto ni nanay. Si Maris hindi mo namimiss? Tanong ng isip ko. Syempre namimiss, pero hindi ko pwede pairalin ang kagustuhan na makita ko siya at baka iba isipin ng mga tao. Umiiwas lang ako sa gulo, kaya nga nakipaghiwalay ako kay Maris. " Pinapapunta kaba sa bahay nila, Maris?" Narinig kung tanong ni Daniel sakin. Sumama pala ang lalaking 'to dahil gusto niya makapunta kina nanay. " Hindi, namiss ko lang sila nanay. Hindi na kasi ako nakakapunta saka namiss kona rin ang luto niya." Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa paligid. " Yung luto ba talaga o si Maris?" May nakakalokong ngiti na tanong niya s

