CHAPTER XXXIII GIO Kahit ganoon na ang kanilang sitwasyon, especially ni Dean, hindi pa rin mawala sa isipan ni Gio ang tungkol kay Diether. Bakit hindi man lang nasabi sa kaniya o sa kanila ni Frida ang tungkol doon? Nagkikita na pala sila? O baka hindi lang sinasadyang magkita? Kailan? Saan? Paano? Saka bakit unbothered si Frida with that fact? Parang tinotolerate pa niya ‘yung hindi pagsasabi ng mga nangyayari sa buhay ni Dean before the incident happened. Ayaw namang komprontahin ni Gio si Dean gayong hindi pa ayos ang mental state nito at lalo lang itong mapapalala kung gagawin niya kaya sinarili muna niya ang thought na ‘yun. But it’s frustrating, halos ito na lang tumatakbo sa isip niya. Pero hindi talaga mawala sa isipan niya kahit anong distraction ang gawin niya. S

