CHAPTER XXXV DEAN Lumipas muli ang maraming Linggo at magkahalong anxiety at kasiyahan ang naramdaman ni Dean. Natuloy na ang imbestigasyon kay Diego. Days after ng pag-file ng kaso nina Dean ay nagsimula nang mag-imbestiga ang pulisya sa opisina nito. Ang ikinagulat ng marami, pati na rin ng tatlo, ay ang natagpuan ng mga pulis sa opisina ni Diego Montanez; hard drive ng mga malalaswang videos at encounters ng talent manager sa kaniyang mga naging artista. It made headlines at pinaingay ang Hollywood scene. Ngayon, hindi na lang si Dean ang gustong magsampa ng kaso. May mga ilang lumutang na ring talents at actors na nagbigay ng testimony na nangyari din sa kanila ang parehong insidente. Nakiusap na lang si Dean sa media na ‘wag na siyang pangalan as someone na unang nag

