Shun Gray Williams
“Nice to meet you. I’m Shun Williams,” kalmado kong sabi sa harap ng klase.
Halos agad, parang may alon ng bulungan ang gumapang sa buong silid.
“Ang gwapo niya!” narinig ko mula sa bandang likuran.
“Omg! Dito ka sa tabi ko, pogi!” sigaw ng isa pang babae, halatang kilig na kilig.
Hindi ko sila pinansin. Nanatiling neutral ang mukha ko—walang ngiti, walang reaksyon. Sanay na ako sa mga matang nakatingin. Sa ibang lugar, iba ang tingin nila—hindi paghanga, kundi pagtatantiya. Kung banta ba ako. Kung dapat ba akong patayin.
“Since you’ve finished introducing yourself, puwede ka nang maghanap ng mauupuan mo,” sabi ng professor.
Tumango ako at naglakad papunta sa isang bakanteng upuan. Ngunit bago pa ako makarating doon, biglang may paa ang humarang sa dinaraanan ko—nakasampa, parang patibong.
Huminto ako.
Tumingin ako sa paa, saka sa may-ari nito—pero hindi ko na kailangan pang titigan. Alam ko na ang ganitong kilos. Ganitong galawan ang unang senyales ng gulo.
“Is there a problem?” tanong ng professor, napansing tumigil ako.
“None, Sir,” mahinahon kong sagot.
Tapos, walang emosyon, inangat ko lang ang paa ko at nilampasan ang harang—parang walang nangyari.
May ilang napahinto sa pagbulong. Parang hindi nila inasahan na gano’n lang. Walang takot. Walang pikon. Walang drama.
Umupo ako sa bakanteng upuan at ipinatong ang dalawang braso sa desk, tahimik na nakatingin sa harap.
“Okay, open your textbook to page 27,” sabi ng professor habang ipinagpapatuloy ang lecture.
“Hi,” bulong ng katabi ko, ngiting-ngiti. “May textbook ka na ba?”
Bago pa ako makasagot, parang may pumutok sa loob ng ulo ko—isang biglang pagbuhos ng alaala.
Flashbacks
“Shun! Shun!” narinig ko ang boses ng kapitan, nagmamadali.
Binuksan ko agad ang pinto ng kwarto ko at nadatnan ko siyang nakatayo roon, nakangiti nang malapad—parang batang nakatanggap ng regalo.
“May good news!” masigla niyang sabi. “Nahanap ko ang pamilya mo!”
Parang biglang tumigil ang mundo ko.
“With my connections, I was able to talk to them. They’re living in the Philippines.”
Napatulala ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman—tuwa, takot, pagkalito, o lahat sabay-sabay. Matagal ko nang inilibing ang salitang pamilya. Matagal ko nang pinaniwala ang sarili ko na wala akong uuwian at wala akong babalikan.
“No wonder, Captain,” biro ng isa kong kasamahan. “Shun has a unique beauty. So that’s the reason—may dugong Pilipino pala siya.”
Tumawa ang iba.
“Since it will take time to arrange things,” sabi ng kapitan, seryoso pero masaya, “let’s help Shun prepare. First and foremost, we should teach him their language.”
Flashbacks End
Buti na lang, sa tulong ni Captain Limuel at ng mga kasama ko, natutunan ko ang Filipino. Hindi man perpekto, kaya ko nang umintindi. Kaya ko nang sumagot.
“Shun, ayos ka lang?” tanong ng seatmate ko, kinawayan ang kamay niya sa harap ng mukha ko. “By the way, I’m Oliver. Let’s share my textbook for now. After class, sasamahan kita kumuha ng textbook mo.”
“Okay. Salamat,” sagot ko.
Ngumiti siya, saka bumaling ulit sa lecture.
Ako naman… tumingin sa bintana.
Sa labas, maliwanag ang araw. Walang usok. Walang putok. Walang sigawan.
A peaceful life.
Malayo sa baril, kutsilyo, at bomba.
At kahit sandali, gusto kong maniwala na posible.
Selena Williams
“Nasa klase na siguro si Kuya,” mahinang bulong ko sa sarili ko habang nakapatong ang baba ko sa armchair, kunwari nakikinig sa discussion.
“Guys! Look—may transfer student!” napalingon ako nang marinig ko ang sigaw ng kaklase kong bagong pasok sa classroom. “Grabe, sobrang hot!”
“He’s our senior!” sabi ng isa.
Senior?
Napangiti ako, pilit itinatago ang biglang t***k ng dibdib ko. Siguro si Kuya ’yon.
“Let’s go later,” sabi pa nila. “Hanapin natin siya doon sa building ng mga fourth year.”
Hindi ko sila masisisi. Alam ko naman. My brother is really handsome—hindi lang sa itsura, pati sa presensya. Parang may bigat at katahimikan na hindi mo maipapaliwanag.
Hindi ko pa rin minsan ma-process nang buo.
Ang kapatid ko—na akala naming namatay kasama ng mga magulang namin sa plane crash—buhay pala.
At bumalik sa amin… pagkatapos ng labing-isang taon.
Flashbacks
“Sobrang saya ko, apo. Akala ko wala ka na rin,” umiiyak na sabi ni Grandma habang mahigpit na yakap ang isang matangkad at matipunong lalaki.
Siya ba ang kapatid ko? tanong ko sa sarili ko, nanginginig ang mga kamay.
Lumingon siya sa akin at ngumiti—hindi yung malapad, hindi yung palabas. Isang maliit na ngiting parang pinipigil, pero ramdam mo ang bigat sa likod.
“So… you are Selena,” mahinang sabi niya.
At hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Bigla akong napaiyak, lumapit, at sumama sa yakap nila.
Welcome back, Kuya, sabi ko sa sarili ko habang tuloy-tuloy ang luha ko.
Flashbacks End
“Aba! Hindi mo talaga ako papansinin?” nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang pamilyar na boses—matinis, galit, at mapanakit.
Si Ava.
Nasa harap ko siya, naka-cross arms, kasama ang mga kaibigan niyang parang laging gutom sa gulo.
“What do you want now?” kalmado kong tanong, kahit nanginginig na ang sikmura ko sa kaba.
Nakita ko ang pamumula ng mukha niya, at bago pa ako makaiwas—
HINILA niya ang buhok ko.
“Just because nagbakasyon tayo, akala mo makakatakas ka na sa akin?” singhal niya. “Huwag kang ignorante!”
Napangiwi ako sa sakit, pero pinilit kong hindi umiyak.
“Ibili mo ako ng soft drinks doon!” utos niya, parang ako ang katulong nila.
Wala akong nagawa. Tumayo ako at umalis.
Ganito na lang palagi sa school. Sinubukan ko nang magsumbong noon—pero parang wala ring nangyari. Parang ako pa ang problema dahil “sensitive.”
Pero ngayon… iba na.
May kuya na ako.
Kahit mahirap, knowing that I’m not alone anymore makes me feel a little at ease.
Ayoko lang siyang madamay. Ayoko siyang mabahiran ng dumi ng mundong matagal na akong nilulunod.
Pumunta ako sa cafeteria. Kahit umaga pa lang, marami nang estudyanteng nag-aalmusal. Amoy tinapay, kape, at ulam na prito. Mabilis akong pumila, pilit hindi tumitingin sa paligid.
Mabilis din akong nagbayad at kinuha ang ipapabili ni Ava.
Pero bago pa ako tuluyang makalabas—
“Oh! Nandito ang slave ng mahal kong kapatid,” nanlamig ako nang marinig ang boses ni Anthon—kapatid ni Ava. Nakasandal siya sa gilid, nakangisi, kasama ang mga tropa.
“Alam mo,” dagdag niya, lumapit nang konti, “kung pumayag ka lang sana makipag-date sa akin, edi pinrotektahan na kita.”
Nanginig ang kamay ko sa hawak kong paper bag, pero hindi ko siya pinansin.
Umalis ako agad, halos tumakbo palabas.
“Tol, pa-hard to get!” sigaw ng isa sa mga kaibigan niya, sabay tawanan.
Nakahinga ako nang maluwag nang masigurong hindi nila ako sinundan.
Habang naglalakad pabalik, hindi ko maiwasang isipin si Kuya. Kakabalik niya lang… sana maging maayos ang first day niya.
Nagmadali akong bumalik sa classroom.
At hindi nga ako nagkamali—nagsimula na ang klase.
“Bakit ngayon ka lang, Ms. Selena?” tanong ng professor, kunot ang noo.
“I’m sorry, Sir,” mahina kong sagot. “May binili lang po sa cafeteria.”
“Okay. Bumalik ka na sa upuan mo,” sabi niya, halatang naiirita. “Nakakaistorbo ka sa klase.”
Napayuko ako habang naglalakad pabalik. Narinig ko ang tawanan ng grupo ni Ava—yung tawanan na parang may kasamang pang-iinsulto kahit walang sinasabi.
Dahil doon, hindi ko napansin ang paa sa harapan ko.
BOGSH.
Nadapa ako.
Ramdam ko agad ang pagkamanhid ng tuhod ko sa lakas ng bagsak—sunod ang hapdi, parang may apoy na kumalat sa balat ko. Umalingawngaw ang tawanan ng buong klase.
“Wala ka bang balak tumayo, Ms. Selena?” sabi ng professor—hindi ko alam kung seryoso o galit.
Agad akong tumayo, nanginginig ang kamay, at mabilis na umupo sa upuan ko.
Pilit kong nilunok ang luha.
It hurts, sabi ko sa sarili ko, marahang hinihimas ang tuhod ko sa ilalim ng desk.
Pero mas masakit yung alam mong… sinasadya nila.
At mas lalong masakit yung takot na baka, sa araw na bumalik ang kuya ko, madamay siya—at magising ulit ang taong matagal na niyang tinatago.