Hindi ako nagmadali. ’Yung pagkakamali ng mga tao kapag alam nilang may kaaway sila, gustong-gusto nilang tapusin agad. Gusto nilang mag-confront, maghamon, magpakita ng tapang. Pero ang problema sa “tapang” na walang strategy… madali kang iikot. Kaya hindi ako nagmadali. The moment they tried to frame me with the knife, they showed me two things: Una—may access sila sa paligid ko. Pangalawa—may willing silang mag-risk basta makuha nila ang gusto nila. That meant there would be a next attempt. And if may next attempt… I could control where it happens. Not by fighting. By letting them think they’re winning. Kinabukasan, hindi ko sinabi kay Selena ang plano ko. Hindi dahil ayaw ko siyang isama, kundi dahil ayaw kong mabigatan siya. Kapag alam niya, magiging iba ang kilos niya. And

