Hindi ako mapakali, pero hindi na rin ako nagugulat. Ganito ang mga taong sanay mang-api: kapag napigilan mo sila sa isang paraan, maghahanap sila ng ibang daan. Kapag nawala ang kapangyarihan nila sa loob ng school, dadalhin nila sa labas. Kapag hindi na sila makaporma sa liwanag, lilipat sila sa dilim. At base sa nangyari kahapon—drugs planted, confession, guidance escalation—iisa lang ang logical next step nila. A risky move. A desperate move. Hindi dahil matapang sila. Kundi dahil takot sila. Takot na mawalan ng kontrol. Kinabukasan, bago pa mag-alas singko, gising na ako. Walang alarm. Walang ingay. The kind of wakefulness na parang katawan mo na mismo ang nagiging radar. I checked my phone. Walang message mula sa school. Walang new updates. Pero may dalawang missed calls—u

