May kakaibang klase ng takot ang “safehouse.” Hindi yung takot na may kumakatok sa gate, o yung takot na may motor na umiikot sa labas. Iba. Mas tahimik. Mas subtle. Takot na nakatago sa tanong na, paano kung nahanap na nila? Takot na pwedeng sumiksik sa kahit anong tunog—yung pag-uga ng elevator, yung yabag sa hallway, yung pagsara ng pinto ng kapitbahay. At para kay Selena, kahit sinasabi ko na “clean” yung unit, kahit sinasabi ng police na swept na, hindi pa rin agad nawawala yung reflex. Kagabi, bago siya matulog, pinatayan ko yung phone niya at inilagay sa drawer. Pero kahit ganun, ilang beses siyang tumingin sa outlet sa sulok ng kwarto niya, parang may inaasahan siyang chime na biglang tutunog. “Kuya,” mahina niyang tanong habang nakahiga siya, “paano kung may device dito na hind

