Hindi ako mapakali buong gabi. Kahit nakahiga na ako, kahit nakapatay na ang ilaw, kahit rinig ko na ang mahinang tunog ng paghilik ni Selena sa kabilang kwarto—hindi pa rin tumatahimik ang isip ko. May mga bagay na hindi ko kayang i-unsee. Ang ngisi ni Jairo habang sinasabi niyang “Dito ako.” Ang paraan ng pagtingin niya kay Selena—parang pag-aari. At higit sa lahat… ang takot sa mata ng kapatid ko, ’yong takot na pilit niyang tinatago sa “okay lang ako, Kuya.” People like that don’t stop, paulit-ulit sa isip ko. At kung hindi titigil… may susunod na mangyayari. Kaya bago pa sumikat ang araw, bumangon na ulit ako. Maaga kaming umalis ni Selena. Hindi ko sinabi sa kanya na sinadya kong agahan. Sinabi ko lang, “Traffic.” Tinanggap niya. Siya ’yong tipo na ayaw ng conflict, kaya ba

