Hindi ako natuwa nung nabasa ko yung message na “Your sister cried when you left.” Hindi lang dahil creepy siya. Kundi dahil ibig sabihin, may tao silang nakapuwesto malapit sa bahay namin kahit alam nilang may patrol. Ibig sabihin, hindi lang sila nagmamasid. Pinipili nila ang tamang sandali para sumiksik sa pagitan ng mga minuto. At isa pa… hindi nila sinabi yung message na ’yon para lang mang-asar. Sinabi nila para ipaalala sa akin na kahit nasa “public” ako, kahit may police, hindi pa rin nila tinatanggal ang mata sa pamilya ko. Kaya bago ako matulog, hindi ako humiga agad. Umupo ako sa sala, naka-on ang isang ilaw lang, yung sakto para hindi mukhang abandoned ang bahay. Tahimik si Lola sa kwarto, naririnig ko ang mahinang bulong ng dasal niya. Si Selena, pilit na natutulog, pero

