Hindi ako sanay umasa sa “bukas.” Sa dati kong mundo, ang “bukas” ay para lang sa mga taong may luxury maghintay. Para sa mga taong may oras magplano nang mahaba, magpahinga, at magtiwala na darating ang tulong kapag tinawag mo. Pero ngayon, si Selena umiikot ang buhay sa takot, si Lola nananalangin na parang pinipigilan ang mundo na bumagsak, at ako… ako ang pader na dapat hindi mag-crack. Kaya kahit sinabi ng officer na “tomorrow we’ll brief,” hindi ko hinayaan ang gabi na lumipas nang nakatunganga lang. Hindi ako naghanap ng away. Hindi ako naghanap ng dugo. Ang hinahanap ko ay butas. Isang maliit na butas sa sistema ng mga taong nagmamasid sa amin. Bandang 3 AM, tahimik ang bahay. Si Selena nasa kwarto, ilaw patay, pero alam kong gising. Kapag gising ang isang taong may trauma, hin

