Hindi ko na kailangan ng alarma para malaman na may nangyari kagabi. Ramdam ko sa katawan ni Selena. Pagkagising niya, hindi siya lumabas agad. Dati, kahit pagod siya, lalabas pa rin siya para kumain o magtanong kung anong gagawin sa araw. Ngayon… tahimik. Parang pinipili niyang huwag gumalaw para hindi maalala ang galaw ng kamay ni Jairo sa pulso niya. Kaya bago pa siya lumabas, inayos ko na ang lahat. Curtains: half-closed (liwanag pero hindi kita ang loob). Gate: double lock. Phones: charged. Copies ng videos: backed up. Barangay numbers: pinned. This wasn’t paranoia. This was routine. A routine I promised myself I wouldn’t need again—pero heto na naman. Nang sa wakas lumabas si Selena, naka-hoodie siya kahit mainit. Hood up, parang gustong itago ang mundo. “Kuya,” mahina n

