KABANATA APATNAPO'T LIMA

2295 Words

Hindi ko tinulugan yung message na “You pulled the wrong chain.” Hindi dahil takot ako sa mga salita—kaya kong tiisin ang banta. Ang hindi ko kayang tiisin ay yung posibilidad na sa susunod, hindi na salita ang gagamitin nila. Kapag sinabi nilang “wrong chain,” ibig sabihin may isa pa silang chain na hawak. At ang chain na ’yon, malamang naka-kabit na sa pinaka-mahina naming parte—kay Selena, kay Lola, o sa bahay namin mismo. Pero kahit ganun, may isang bagay na nagbago pagkatapos ng gabi sa RGS office. Nakita ko kung paano mag-crack ang ngiti ni Ramos. Nakita ko kung paano siya sumilip sa van na parang bata na natatakot mawalan ng guardian. Nakita ko rin kung paano tumakbo yung “higher hand” habang sumisigaw ang radio ng mga pulis. Ibig sabihin, tama ang direksyon. At kung tama an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD