"BABE, ang anak natin. Alam kong umiiyak siya ngayon. Gusto ko ng makita ang anak natin." Mangiyak-ngiyak na saad ko kay Melfoy habang hindi ako mapakali sa sala namin. Paroot parito ang lakad ko. Nanginginig din ang katawan ko dahil sa labis na takot. "Hey! Come here." Inabot niya ang kamay ko saka ako pinaupo sa tabi niya. Pinunasan nito ang mga luha sa pisngi ko. "Makikita natin si Katness okay. Huwag ka na umiyak. Mag babayad ang kung sino man ang kumuha sa anak natin. I swear to God." "Sir—" Napalingon kami pareho sa may pinto nang biglang sumulpot ang mga pulis sa bahay namin. Agad kaming tumayo ni Melfoy para harapin ang mga ito. "Ano'ng balita?" Tanong ng asawa ko. "Nakakuha na po kami ng impormasyon base sa kuha ng cctv sa labas ng eskwelahan ng anak n'yo. Ito po ang mg

