"MOMMY, why lola can't go with us? Iiwan po ba natin siya rito?" Tanong ni Katness habang nasa kama kami at sinusuklay ko ang kulot nitong buhok. "Hindi naman sa gano'n baby. Hindi ba you don't want lola go back to the hospital?" Tumango naman ito sa tanong ko. "That's why lola need to stay here for awhile to make sure na magiging okay na ang sakit niya." Pagpapaliwanag ko rito. "E, I'm gonna miss lola kapag hindi po natin siya kasama sa Philippines." Nakangusong saad nito na halata ngang nalulungkot dahil maiiwan si mama rito sa New York. "For awhile lang naman baby. Tsaka nando'n naman ako e!" "How about papa?" "Y—" "Of course I'll go with you." Naputol ang pagsasalita ko nang bigla itong pumasok sa kuwarto namin. Naglakad ito palapit sa kama saka umupo sa tabi ng anak ko. Ku

