NASA labas na ako nang pinto ng condo ni Melfoy. Kinakabahan ako, ewan ko kung bakit at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Siguro kasi excited akong muling makita ang asawa ko. Miss ko na siya. May sariling susi naman ako kaya hindi ko na kailangang kumatok para pagbuksan niya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, sumilip muna ako para tingnan kung may tao sa sala. Nang makita kong tahimik at walang tao ay dahan-dahan akong pumasok. Ang gulo ng condo niya. Madaming nag kalat ng mga madudumi at labahin niyang mga damit. Mga bote ng alak na nasa sahig at sa center table. Hindi nag iinom ng ganito karaming alak si Melfoy, pero sa nakita kong mga bote parang hindi niya talaga napigilan ang paglalasing habang magkalayo kaming dalawa. Lalapit na sana ako sa mga kalat para linisin muna ito bago

