"BAKIT n'yo naman 'yon ginawa kanina kay Princess?" Galit na tanong ni Melfoy sa kaniyang sekretarya. "Sir, hindi naman po si ma'am Kara at ako ang nauna e! Nagpasama po sa 'kin kanina si ma'am na mag punta po sa banyo kasi nakaramdam po siya ng hilo pagkalabas galing dito sa office n'yo. Pagdating po namin sa cr nando'n po pala 'yong hitad na 'yon. Narinig ko pong pinagsalitan niya ng masama si ma'am Kara. Hindi naman po siya pinatulan ni ma'am. Si Princess po mismo ang unang nanakit kay ma'am Kara. Pag pasok ko po sa loob nakita ko po na sinasaktan ng malanding babae na 'yon ang asawa n'yo kaya po tinulungan ko siya. Wala po siyang kasalanan sir kun'di po ang makati at malanding hitad na 'yon." Mahabang paliwanag ni Jennica sa kaniyang amo. Napatuon naman ang kamay ni Melfoy sa kaniy

