CHAPTER 5

2482 Words
NAPABITAW ako sa pagkakayakap sa kaniya nang biglang tumunog ang cellphone niyang nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Sumisinghot pa itong dinukot niya iyon at tiningnan ang screen bago iyon sinagot at dinala sa kaniyang tainga. "Hello. What? I thought we had this clear conversation about that concern. Yeah. Okay just give me a minute and I'll be there." anito saka pinatay ang tawag mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot nang malaman kong aalis siya, akala ko kasi makakapag-usap pa kami ngayon. "I have an emergency meeting at the office. I'll be back. Saglit lang ako roon. Just wait for me, okay?" Saad nito. Napatango na lamang ako kasabay ang pag guhit ng pilit na ngiti sa mga labi ko. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at nag lakad papasok sa kuwarto, mag bibihis ata. Mayamaya nakatunganga lang ako sa kawalan nang bigla kong marinig ang boses niya sa harapan ko. "Please, stay and wait for me okay." Masuyong saad niya saka ako hinalikan sa noo at niyakap. "I will. Hihintayin kita." Nakangiting sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pag guhit ng ngiti sa mga labi niya nang kumalas ito sa 'kin. Matamis na ngiti na ngayon ko lang nakita sa kaniya. Banayad na humaplos ang kamay niya sa mukha ko bago tuluyang tumalikod sa 'kin at lumabas ng condo niya. Pakiramdam ko gumaan ang dibdib ko ngayon. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa puso ko. Dati kasi ramdam kong laging puno ng problema at lungkot ang buong pagkatao ko. Tama lang naman siguro ang ginawa ko hindi ba? Ang manatili sa tabi niya ngayon. Para mabayaran ko lahat ng kasalanan ko sa kaniya at para na rin makabawi sa pagkukulang ko sa kaniya bilang asawa niya. Hindi naman masama kung bibigyan ko ng pangalawang pagkakataon ang mga sarili namin na maging masaya hindi ba? Ito na siguro ang tamang panahon para maging okay na kami. WALA NAMAN AKONG magawa rito sa condo niya habang nag hihintay sa pagdating niya kaya inubos ko nalang ang oras ko sa pagtingin-tingin nang mga picture namin sa photo album niya. Hindi ko na namalayan ang oras. Nakatulog ulit ako sa sofa. Naalimpungatan lang ako nang pakiramdam ko ay lumulutang ako at may matigas na mga braso ang nakapulupot sa baywang ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko siyang nakatingin sa 'kin habang dahan-dahan na nag lalakad papasok sa kuwarto. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Nakapilig ang ulo ko sa dibdib niya kaya rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso. Amoy ko rin ang panlalake niyang pabango. Hindi masakit sa ilong. "I'm sorry kung nagising kita sa pagkakatulog mo." saad nito saka ako dahan-dahan na ibinaba sa kama nang tuluyan na kaming makapasok sa silid niya. "No it's okay. Ngayon ka lang?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos nito ang kumot sa katawan ko. "Yeah. I'm sorry if I'm late. Nakatulog ka na kakahintay sa 'kin." "Okay lang. Kumain ka na ba?" Hindi ko alam, pero ang sarap pala sa pakiramdam na ganito kami ngayon. Kanina at kahapon lang nag-iiyakan kaming pareho at puro galit ang nararamdaman ko sa kaniya, pero ngayon para akong umaasta na asawa niya. Well, asawa ko naman talaga siya. Iyon ang pagkakaalam ko. Ngumiti ito sa 'kin saka ako hinalikan sa pisngi ko. "Tapos na. Ikaw? Nagugutom ka ba? Gusto mo ipagluluto kita ng dinner." "Hindi na. Busog pa naman ako. Magpahinga ka na." "Okay. Good night Kara." anito at hahakbang na sana palabas ng kuwarto pero tinawag ko siya. "M-melfoy. Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya. "A, sa couch na ako matutulog. Ikaw na diyan." "Bakit doon? Malaki naman ang kama mo! Share na tayo." Tinapik ko pa ang kabilang side nang hinihigaan ko para palapitin siya. Kita ko naman ang pagaalangan sa hitsura niya. Kahit ako nahihiya rin sa kaniya at kinakabahan na tumabi sa kaniya pero wala naman akong magagawa. Mag iinarte pa ba ako e, nakuha na nga niya ako? "Come here...tabi na tayo." Nakangiting saad ko sa kaniya kahit 'yong totoo sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang kabog ng puso ko. Sobrang bilis na para bang na e-excite ako na makakatabi ko siya sa pagtulog ngayon. Ngumiti naman ito ulit sa 'kin. "Are you sure Kara?" "Yeah! Halika na alam kong pagod ka na rin." Umayos ako sa pagkakahiga para mag kasiya kami sa kama. Nag lakad naman ito pabalik. "Sige matulog ka na. Maliligo lang ako. Good night Kara!" Saka ito pumasok sa banyo. Nakatalikod ako sa puwesto niya at sa may pintuan ng banyo. Mayamaya'y naramdaman ko ang pagbukas no'n at naamoy ko ang mabangong amoy ng sabon na kumakapit sa katawan niya. Nakakatuksong lumingo sa kaniya. Mas lalo akong kinabahan nang maramdaman kong lumubog ang kabilang parte ng kama senyales na humiga na rin siya sa tabi ko. Pigil ko pa ang paghinga ko, ewan ko ba kung bakit. Masyado akong na te-tense ngayon dahil sa kaniya. Oo wala na 'yong kaba at takot ko dati sa kaniya tuwing lalapit siya sa 'kin... pero kakaibang kaba naman ngayon ang nararamdaman ko dahil sa kakaibang pakiramdam sa kaloob-looban ko. Hindi ata ako makakatulog nito ngayon. Nawala na 'yong antok ko kanina. "Good night Kara." Halos mapatalon pa ako sa kama nang marinig ko ang boses niyang sobrang lapit sa puno ng tainga ko. Nagulat ako sa kaniya. Mayamaya'y naramdaman ko na naman ang paglapat ng mainit at malambot niyang mga labi sa pisngi ko. Sasagot ba ako o hindi? Sa huli hinayaan ko na lamang siya. Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi na ako dalawin ng antok ko. Dilat na dilat ang mga mata ko. Ang diwa ko ay nag lalakbay sa ibang dimensyon. Ramdam kong kumilos ang katabi ko. Hindi rin ata makatulog kagaya ko. "Are you still awake Kara?" Rinig kong tanong niya. Lilingon sana ako sa kaniya pero pinigilan ko ang aking sarili. Hindi na rin ako sumagot at pumikit na lamang at nag kunwaring tulog na. "Can I come closer? Can I hug you? I can't sleep." Dinig kong dagdag niya pa sa sinabi niya kanina. s**t Kara, ano ba sumagot ka. Para ka ng pipi diyan at hindi ka na makapagsalita. Anang aking isipan. Paano, inuunahan talaga ako ng kaba ko. Mas lalo lang nag wala ang dibdib ko nang maramdaman ko ang marahan niyang paghila sa baywang ko mayamaya. Hinapit niya ako papunta sa kaniya. Napapikit ako ng mariin at nag tulog-tulugan ulit. Sa pangalawang pagkakataon ay nandito ulit ako sa dibdib niya, dinig na dinig ko ang malakas ng pagkabog ng kaniyang puso. Pareho lang pala kami. At ang sarap pala makulong sa mga bisig niya. "Good night Kara..." Saad nito saka hinalikan ako sa noo. "Good night din Melfoy." Sagot ko. Nagulat ako bigla. Dapat sa isipan ko lang 'yon e, pero lumabas pala sa bibig ko. Narinig ko nalang ang mahina niyang pagtawa at lalo akong niyakap ng mahigpit. Nabuking ka tuloy Kara... nakakahiya ka. "Let's sleep Kara. Maaga pa ako bukas." aniya. Wala na akong nagawa kun'di ang yumakap nalang din sa kaniya at magsumiksik sa leeg niya lalo. Ninamnam ko ang pagkakataong ito na nasa mga bisig niya ako. KINABUKASAN maaga akong nagising. Pagmulat palang ng mga mata ko'y mukha niya agad ang bumungad sa 'kin. Hindi ko alam pero parang ang gaan at masaya ang pakiramdam ko ngayon. Napangiti pa ako bigla na hindi malaman kung ano ang dahilan. Dangkal na lamang din ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. Tumatama sa mukha ko ang hininga niyang nag mumula sa kaniyang ilong. Pagkakataon ko na rin ito para mapagmasdan ng maayos ang mukha at hitsura niya. Ang mukha niyang maamo at kay sarap pakatitigan at hindi nakakasawa sa mata. Matangos na ilong. Natural na haba ng pilikmata. Ang mapupula niyang mga labi na parang nag aanyaya sa 'kin na halikan ko. Para akong na te-tempt na tikman ang mainit at malambot niyang mga labi. "Mmm..." Unggol nito saka kumilos patalikod sa 'kin. Napangiti akong muli saka bumangon na sa kama at nagtungo sa banyo. Pagkatapos kong mag hilamos at mag toothbrush ay nag diretso na rin ako sa kusina para mag luto ng almusal namin. Inayos ko na rin ang mga kubyertos bago bumalik sa kuwarto para sana gisingin na siya. Nasa pinto palang ako nang makita kong nakaupo na siya sa kama. Nakatuon pa ang dalawang kamay niya sa mukha niya habang sumisinghot na naman. "Bakit?" Tanong ko na siyang nagpaangat ng tingin niya sa 'kin. "K-kara...?" Tawag nito sa 'kin saka nag mamadaling bumaba sa kama at lumapit sa 'kin. Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. "I-I thought umalis ka na. Akala ko iniwan mo na talaga ako ng tuluyan." Sumisinghot na saad nito habang sobrang higpit ng pagkakayakap sa 'kin. Hinawakan ko siya sa balikat niya. "Hey! Ano ka ba, hindi ako aalis. Nag stay nga ako kahapon dito hindi ba? Bakit naman ako aalis ngayon?" "I just thought maybe you changed your mind. Kaya nang magising ako kanina na wala ka sa tabi ko akala ko talaga wala ka na." Hindi pa rin ako nito binibitawan sa pagkakayakap niya sa 'kin. Lalo lamang humigpit. Paanong hindi ko matanggap ang lalakeng ito noon? Kung tutuusin ako na ata ang pinaka masuwerteng babae sa buong mundo dahil sa pinapamalas nitong pagmamahal para sa 'kin. Pagmamahal niya para sa 'kin na ramdam kong sobra at walang kapantay na kahit ano. Lalakeng gagawin ang lahat para sa mahal niya. Lalakeng iiyakan ang mahal niya dahil lang ayaw niyang mawala ito sa kaniya. Lalakeng kayang isakrepesyo ang lahat para sa mahal niya. Mayamaya ay kumalas ako sa yakap niya. Hinawakan ko ang pisngi niya saka ko pinunasan ang mga luhang nag lalandas doon. "Hindi ako aalis." "Pangako?" Tanong nito sa malungkot na boses habang matamang nakatitig sa mga mata ko. Tumango ako sa kaniya bilang tugon. "Pangako..." "Thank you Kara. I love you." Saka ako nito hinalikan sa noo at muling niyakap. "Sige na maligo ka na at baka ma-late ka pa sa trabaho mo." Pagkuway saad ko saka siya itinulak papasok sa banyo. Habang naliligo siya ay inihanda ko na rin ang mga damit na susuotin niya. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama at naghihintay sa paglabas niya. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto ng banyo kaya napalingon ako roon. Bahagya pa akong nagulat nang makita kong naka-topless lamang siya. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya nang matitigan ko ang kabuoan niya. Nakita ko naman siyang napatingin sa mga damit niyang nakalatag sa ibabaw ng kama. Ngumiti ito sa 'kin saka lumapit sa kama. "What are you doing? Ba't nag abala ka pa na ilabas ang mga susuotin ko?" Tanong nito sa 'kin. Tumayo ako at nag lakad papalapit sa kaniya. Kinuha ko ang pantalon niya saka ito inabot sa kaniya. "Asawa mo ako hindi ba? Ginagawa ko lang kung ano ba dapat ang trabaho ng asawang babae sa mister niya." saad ko sa kaniya. Mas lalo pa itong napangiti sa 'kin pagkuwa'y. Isinuot nito ang pantalon niya habang hindi iniiwas ang mata sa 'kin. Nakakailang ang mga titig niya pero pilit ko naman iyong sinalubong. Iniabot ko na rin sa kaniya ang polo niya.. "This is the first time na ginawa mo ito sa 'kin. Alam mo ba noon na kahit kausapin o tingnan lang ako ay hindi mo magawa? Kaya naninibago lang ako sa mga nangyayari ngayon. Simula nang ikasal tayo, pinangarap ko na, na sana isang araw maranasan ko rin ang pagsilbihan ako ng asawa ko. Kahit 'yong mga maliliit at simpleng bagay lang na kagaya nito ay sobra-sobra na ang kaligayahan ko." Ewan ko ba at parang may sariling isip na ata ang mga paa ko at kusa itong humakbang palapit sa kaniya. Maging ang mga kamay ko ay owtomatik na umangat papunta sa kaniyang leeg at inayos ko ang kaniyang necktie. "I'm sorry again. I promise na simula ngayon, hindi na ako magagalit sa 'yo. Pagsisilbihan kita bilang asawa mo. Kung gusto mo araw-araw ko 'tong gagawin, ang ipaghanda ka ng mga susuotin mo para sa pagpasok mo sa trabaho. Ipagluluto rin kita ng pagkain mo. Umagahan, tanghalian, at haponan. Lahat ng gawain ng isang asawa gagawin ko para sa 'yo. Para makabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa 'yo noon." Nakangiting saad ko sa kaniya habang itinatali ko ang necktie niya at inayos ang buhok niya. "Talaga? Sigurado ka ba diyan Kara?" Tanong nito sa 'kin na parang ayaw pang maniwala. "Oo naman. Lahat gagawin ko para sa 'yo. Kahit alam kong hindi mapapantayan no'n ang lahat ng sakrepesyo at lahat ng mga ginawa mo noon para sa 'kin. I want to make it up to you Melfoy." "Sigurado ka ba talaga sa mga sinasabi mo?" Tanong nitong muli sa 'kin. Napangiti nalang ako sa kaniya. Ang kulit. Ayaw talagang maniwala. "Oo nga. Ang kulit." hindi ko tuloy napigilan ang matawa sa kaniya. "I just can't believe that this is really happening right now." Nakangiting saad nito sa 'kin. Hinawakan nito ang dalawa kong kamay saka nito dinala sa tapat ng kaniyang mga labi at ginawaran ng halik ang likod niyon. "First time mo rin tumawa sa 'kin kaya masaya lang ako Kara." "Okay ganito nalang. Tutal linggo naman bukas, wala ka naman atang gagawin. Pag-usapan nalang natin ang lahat ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa sa 'yo. Na first time ko pa lang gagawin sa 'yo mula no'ng maging mag asawa tayo. Deal?" Masayang saad ko sa kaniya. "Mag sisimula palang ang araw ko pero kinompleto mo na agad ito. Yeah of course I'd love too." "Tara na at lalamig na ang pagkain sa lamesa. At baka ma-late ka pa sa trabaho mo." saad ko at hinakawan siya sa kamay upang igiya palabas ng kuwarto at bumaba sa kusina. "Upo ka na at ipagtitimpla kita ng kape mo." Ramdam ko ang pagtitig niya sa bawat galaw ko. Nakakailang man pero hindi ko naman siya masita. Ramdam ko rin kasi na masaya talaga siya dahil sa mga ginagawa ko ngayon para sa kaniya. Inilapag ko ang tasa ng kape sa tapat niya saka ko naman nilagyan ng pagkain ang plato niya. "This is not the first time na sabay tayong kakain ng almusal, pero ito 'yong unang beses na kakain tayong sabay na hindi ka galit sa 'kin. So probably for me I consider this as my first time to eat breakfast with you." "Kumain ka nalang..." Nakangiti kong saad sa kaniya. "I just can't help it Kara. Masaya lang talaga ako ngayon." anito at maganang kumain samantalang nakatingin lamang ako sa kaniyang habang napapangiti pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD