THERESE'S POV "TINGNAN ANG INYONG mga kapareho. Kayo ay opisyal nang magkapareha. Sa lahat ng laro na ating lalaruin ay kayo ang magtutulungan. Hindi maaaring magpalit ng kapareha sa gitna ng laro at hanggang sa matapos ang larong ito." Malakas na boses na anunsyo ni Kalil habang isa-isa kaming tinitingnan. Lima ang mayroong mga kapareha. Si Ciara na gustong-gustong maglaro ay si Aston ang napiling kakampi. Nahuli na kasi ito ng dating, ako dapat ang pipiliin nito. Ang kaso nga lang, nakapagsabi na si Ross na kami ang magkapareha kaya wala na siyang nagawa kundi ang maging kakampi si Ciara. Hindi naman na siya lugi sa kaibigan ko, 'no! Competetive kaya 'yan. Iyon nga lang, kung maaari lang na magbago ng kapareha, ginawa ko na. Siyempre, para makaiwas na rin ako kay Ross at hindi na mag

