THERESE'S POV "WHAT THE HECK!?" Gulat na gulat ang pagkatao ko sa nalaman ko. Paano nangyari? Anong nangyari? Ano ang nangyayari sa amin? Bakit ganito ang mga naging kapalaran namin? At isa pa… fck! Wala ako sa tabi nilang dalawa nang mangyari iyon sa kanila. Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko. Hindi ko maiwasang hindi kwestyonin ang papel ko sa buhay nila. Bakit wala ako noong mga panahong nahihirapan silang dalawa? Imagine, nagpapakasaya ako sa isla without knowing na napapahamak na pala ang mga kaibigan ko. I chose to stay to Ross without knowing na mas kailangan ako ng mga kaibigan ko. Nanginig ang buong katawan ko. Bigla akong hindi nakahinga. Ang bigat ng dibdib ko pero hindi ko kayang iiyak. Gustuhin ko mang umiyak, walang luha ang lumalabas. Nasasaktan ako. Nasa

