THERESE'S POV "YVONNE? HEY, YVONNE." Kumunot ang noo ko nang marinig ang mahinang pagtawag sa akin ni Ross. Oo, alam kong boses niya iyon dahil siya lang naman ang kasama ko rito. At siya lang din naman ang tumatawag sa akin ng Yvonne. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Naramdaman ko pang bahagyang hinatak ni Ross ang kamay ko upang alalayan akong bumangon. Hindi ko namalayang sa pag-iisip ko ay nakatulugan ko na iyon. Huminga ako nang malalim dahil hindi naman ako nakakuha ng sagot sa dami ng tanong na pumasok sa isip ko. "Kakain na," untag sa akin ni Ross. Bahagya naman akong tumango-tango. "Susunod na ako. Maliligo lang ako saglit," pagpapaalam ko. "Alright. I'll just wait for you." Ngumiti naman ako sa kaniya nang bahagya at tumayo na. Mabilis akong nagtungo sa palikuran. Madili

