CHAPTER 3

1457 Words
THERESE'S POV MULI AKONG napapaisip kung ano na naman kayang misyon ang kailangan kong gawin. Sa tuwing ipapatawag ako ni papa para magpunta sa headquarters, alam kong meron akong misyon na kailangan gampanan. It was not necessary, pero ako iyong tipong hindi umaatras sa misyon. I mean, I am a Costalejo. Hindi ako umaatras lalo na sa mga misyon na alam kong tama lang na gawin ko. Hindi naman ako pinasasabak ni papa kapag alam niyang mali. Naroon kami lagi sa tama. Kung inaakala ng iba na walang kuwenta si Papa dahil pinapasabak niya ako sa ganoong misyon, ginagawang pain at hinahayaang mapahamak ang anak. It's a no. Well-trained ako ni Papa simula no'ng bata. Para saan pa ang pagiging Police General niya nang ilang dekada kung hindi niya ako tuturuan ng mga dapat kong matutunan? Again, kung ang ibang tatay, ayaw na napapahamak ang anak dahil baka malagay sa alanganin ang buhay, ang papa ko, iba. Tinuturuan niya ako kung ano ang gagawin sakali mang mapunta ako sa buhay na alanganin. Kaysa naman wala akong alam, 'di ba? Yes, hindi nga ako kumuha ng kursong kaugnay sa posisyon ni papa ngayon. Pero it is my free will to know something about his work. Dahil napag-isip isip ko, sa trabaho ni papa, hindi maaaring hindi ako madamay lalo pa't anak niya ako. May mga taong galit sa papa ko, may mga taong hindi. Sakali mang mapahamak ako, kailangan kong iligtas ang sarili ko. At isa pa, hindi maiiwasan iyon, kahit pa sabihin na wala naman ako sa linya ni papa, or hindi naman ako nagtatrabaho sa ganoon. Hindi iyon maiiwasan dahil anak ako. Hindi kasi ako iyong tipo ng babae na puro pa-sexy, shopping at pa-kikay. I prefer a woman who has strong belief na kung kaya ng lalaki, kaya rin ng babae. Though, I shop a lot, I dress in fancy clothes, sometimes I do pa-kikay. Pero bilang na bilang lang sa daliri iyon. Nagmaneho ako nang ilang oras papunta sa kanilang headquarters. Nasa malaking gate pa lang ako ng village at ininspeksyon na nila ang sasakyan ko, alinsunod sa kanilang trabaho, maging ang ilalim ng kotse ko ay tiningnan nila. Pagkatapos niyon ay sumaludo sa akin ang mga pulis na nagbabantay roon kaya ganoon din ang ginawa ko. Kilala nila ako bilang anak ng kanilang Police General. At hindi na iyon nakapagtataka. Nang makarating sa building ay maayos kong p-in-ark ang sasakyan ko sa parking space at maayos na bumaba roon. Sumalubong sa akin sa labas pa lang ng building ang mga babaeng pulis. Bago tuluyang makapasok sa building, ilang babaeng pulis ang kumapkap sa akin. Malaya ko namang pinaubaya ang katawan ko at itinaas ang parehong kamay. Sumalubong sa akin si Ninong at sampo ng kaniyang tauhan nang makarating ako sa pitong palapag na building na pare-parehong yumuko upang bigyan ako ng respeto. Ganoon din ang ginawa ko dahil nirerespeto ko rin sila. Napatingin ako sa paligid. Parang ang tagal na simula nang huli akong makapunta rito. Istulang mansyon ngunit pulis ang nasa loob nito. Dito rin ginagawa ang pagpupulong sa lahat ng pulis na may katungkulan. Samu't saring warning alert ang nakalagay sa paligid. Ilang K9 din ang nakita kong palakad-lakad kasama ng kanilang trainer. Ilang armadong guwardiya ang kasama rin namin, nasa harap, likod, kanan at kaliwa. They are really secured. Kahit alam kong safe rito, masyado pa rin nila akong pinoprotektahan. Kaya nga may mga kasamang tauhan ang ninong ko nang salubungin ako. Kilala ako bilang anak ng General kaya ganoon na lamang ang pag-iingat nila sa akin. Pero hindi ko puwedeng ituring na ama ang General dito. Sa lugar na ito, hindi niya ako anak at hindi ko siya tatay. Isa akong agent at siya ang General na kailangan kong sundin at igalang. Bagay na ginagawa ko naman kahit wala kami sa lugar na ito. It is just that, kahit pagtawag ng 'papa' sa kaniya ay bawal. Hindi dahil sa batas iyon, kundi ganoon kami magturingan ni papa sa trabaho. "Where's Papa?" I asked Police Lieutenant John Valdom— ang aking ninong— habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo nitong building. Rinig na rinig ang nagtutunugang sapatos namin. Sa kanila, sapatos na pampulis, samantalang sa akin naman ay isang pares ng hindi kataasang takong. Sapat na upang tumangkad ang matangkad ko nang katawan. Patungo kami sa exclusive elevator kung saan matataas na tao lang ang pupuwedeng dumaan. Hindi maaaring gamitin ito ng mga pangkaraniwang pulis. Depende na lang kung may kasama silang mataas na ranggo sa pulisya. "He's waiting for you," aniya saka pinindot ang button ng elevator. Pagbukas ng elevator ay pinauna nila akong pumasok. Patungo kami sa pinakataas nitong building kung saan ang opisina ng matataas na ranggo. Tahimik naming tinahak ang daan patungo sa isang secret room. Pagbukas ng pinto, lahat ng tao ay seryosong nakatingin sa akin. Hindi man lang ako nababakasan ng kaba dahil inaasahan ko na kung ano man ang puwedeng mangyari. Lahat sila ay tahimik na sinusundan ang galaw ko hanggang sa makaupo ako sa tabi ni papa. Nasa isang mahabang conference table kami at nasa pwesto ako ng upuan sa kanan ni papa. Naka-reserve na iyon sa akin kaya hindi na ako nagulat. Blangko naman ang mukha kong tiningnan silang lahat. "Good evening," bati ko sa lahat at binati naman nila ako pabalik. Inayos ko ang pagkakaupo, iyong tipong pormal na pormal dahil matataas na opisyal ang kasama ko ngayon. "So, what the mission?" pag-uumpisa ko ng usapan dahil parang naghihintay lang sila sa wala. Mga nakatunganga sa akin na para bang ako ang hinihintay nilang magsalita. "Hindi mapagkaka-ilang anak ka nga ni General," natatawang wika ni Chief of Police Denver Aquino. I smirked at him saka iniwas ang tingin. Halatang sarkastiko ang pagkakasabi niyang iyon. Bata pa lang ako ay hindi na maganda ang pakikitungo niya sa akin. Gayunpaman, pinasasawalang bahala ko na ito dahil alam ko naman ang salitang 'respeto'. Tumikhim si papa kaya hindi ko na rin pinansin ang matandang Aquino. "Daughter, I want you to do this mission because I believe that you can," umpisa ni Papa. Lahat ay nakatingin sa kaniya, bukas ang tainga, naghihintay ng kaniyang sasabihin. Ako man ay walang ginawa kun'di ang huminga at hintayin siyang ituloy ang sinasabi. "What is it, General?" "Sadyang magaling magtago ang anak ni Mrs. Sacueza kaya naman, gusto kong ikaw ang mahanap sa kaniya at ibalik ng buhay rito sa pulisya." Malinaw ang pagkakasabi ni papa pero parang wala akong maintindihan. I mean, yes, naiintindihan ko naman pero parang nablangko ako bigla. Parang hindi ko alam kung saan mag-uumpisa, hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong ideya. Kahit na ang totoo, kahit papaano, alam kong mayroon silang impormasyon. Umusbong sa akin ang kaunting excitement nang maalala ang naging premyo ko noon matapos matagumpay sa isinagawa kong misyon. I have some information about my mother. Papa gave me her name, her status, and her life. Pero hindi lahat ng impormasyon para tuluyan ko siyang makita. At hindi pa ako pinapayagan ni Papa na pumunta sa kaniya. Iyon kasi ang gusto kong premyo. Hindi pera, kotse, kayamanan, bahay, pagkain o ano pa man. Ang gusto ko, makasama ang mama ko na matagal ko nang inaasam. Hindi naman ako pinagbabawalan ni papa, iyon nga lang, hindi pa raw ito ang tamang oras. "And what's my prize, General?" I asked out of curiousity. Tumikhim siya bago sumagot. "Oh that? Easy." Tumawa siya nang bahagya. "Kapag naibalik mo rito si Ross sa Manila, I'll let you live with your mother." And with that, umusbong sa akin ang pananabik. Namilog ang mga mata ko sa tuwa. Sa tingin ko nga'y nakikita nilang heart na ang shape ng mata ko. Tumingin ako kay Papa nang nagtataka. "Really, General? Hindi mo na babawiin 'yan?" Tumango siya saka ngumiti. "Yes, and if you want, puwede kitang ihatid sa kaniya." "Oh, God! Thank you, Papa—" "General," pagtatama niya. Gusto ko sanang sumimangot dahil hayun na naman siya sa pagiging istrikto niya ngunit hindi ko na lang ginawa. Masyado akong masaya dahil sa sinabi niya. Sa wakas, makakasama ko na rin si mama. "I mean, yes. General. Thank you, General. Kung matagal mo na sanang pinagawa 'to, edi mabilis akong natapos—" "Ms. Costalejo," pananaway niya sa akin. Hayun na naman kasi ako sa pagiging makulit. Pasensya naman na, na-excite lang talaga ako agad. Iyong tipong gusto kong yakapin si Mr. Aquino sa leeg. Iyong mahigpit na mahigpit. Tumikhim siya saka seryosong tumingin sa akin. Ako naman ay napayuko na lang sa pagkapahiya. Bago lumabas ng silid na iyon, isa lang ang gusto kong mangyari. I'll make sure na mapagtatagumpayan ko ang misyon na ito. Matutupad na ang pangarap kong makasama si mama pagkatapos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD