THERESE'S POV KINABUKASAN, MATAAS NA ang haring araw nang magising ako. Ibig lang niyon sabihin ay tinanghali na ako ng gising. Hindi na ako nagulat nang madatnan na mag-isa na lang ako sa kwarto, wala na si Ross sa tabi ko. Kinusot-kusot ko ang dalawang mata ko pagkatapos ay nagdesisyon na akong bumangon. Nagulat ako nang madatnan na may mga bagahe na sa gilid ko. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto na sa amin iyon, sa amin iyon ni Ross. Pumunta ba siya ng kabilang isla nang mag-isa? Isa-isa kong kinalkal ang laman niyon. Mga personal na gamit at mga damit ko iyon. Isa ito sa pinoproblema ko kagabi, kung paano makakapagpalit ng damit na suot ko ngayon dahil wala kami na kahit na ano. Wala kaming nadala. Tanging ang mga suot lang namin kahapon na hanggang ngayon ay suot ko pa rin. Hi

