DEAR STRANGER CHAPTER 17: A Smile Of A Stranger “KUMAKAIN ka ba sa ganito, Hijo?” tanong na aking lola sa lalaki. “Yes po, ‘La. Wala naman pong problema sa akin kahit po saan tayong restaurant. The food here looks tasty, too,” kumento niya habang nakatingin sa menu. Nandito na kami sa loob ng restaurant na lagi naming kinakainan ng matanda sa tuwing galing kami sa Church. Kahit kasi maliit at simple lang ang restaurant na ito ay ang ganda ng ambiance sa loob. It looks more like a small house than a restaurant. Katulad ng itsura nito ay mga lutong-bahay din ang sine-serve nilang mga pagkain. Despite its humble look inside and outside of the restaurant, it’s quite famous to the social classes because of its delicious food. “Talagang masarap dito dahil mga lutong-bahay ang pagkain nil

