DEAR STRANGER CHAPTER 30: A Stranger That I like BAGO kami umuwi ay nag-decide muna kami na pumunta sa may summit ng Mount Lumot. Doon ay makikita ang kagandahan ng bundok. Dinadayo iyon ng mga taga-ibang lugar para mag-hiking at mag-camping dahil isa raw iyon sa pinakamagandang spot sa buong lugar. Makikita mo ang maraming puno na napapaligiran ng mga berdeng d**o na kay sarap sa mga mata. Malamig din ang simoy ng hangin na dadampi sa iyong balat kaya hindi alintana ang init ng araw. Habang umaakyat ay lumilipad ang isip ko dahil sa nalaman ko kay CJ. Napatingin ako kay Kai na nasa aking gilid. Kung classmate namin siya noon ni CJ, bakit hindi niya sinabi sa akin ang tungkol doon? Hindi ba niya ako nakilala? “Ah!” napasigaw ako nang muntik na akong madapa ako dahil sa pagkakatisod k

