Chapter 3

1300 Words
"What the hell, Elena?!" Ayon agad ang bumungad sa'kin pagpasok ko sa opisina ni Jansen. Nagpunta ako rito para magpaliwanag matapos makalabas sa media ang mga litrato ko kasama si Pietro sa isang restaurant sa BGC. "Ano 'yong mga pictures na 'yon? Huh, Elena?!" Jansen's eyes were bloodshot. He even threw away one of his vases on his office. It created a loud noise. "Jansen, tama na. Magpapaliwanag ako kaya ako pumunta dito. Please listen to me." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Nangingilid na ang mga luha ko. "Fine!" He said before throwing himself on his chair. "Naka-ayos na ako kahapon. Pupunta na ako sa condo mo, kaso tumawag si Melvin. Hindi ko naman inasahan 'yon!" "Hindi mo inasahan, but you had a choice! Why didn't you pick me?!" Tumayo siyang muli at hinampas ang lamesa niya. "It's my job, Jansen! I had to do it for my job! Bakit hindi mo maintindihan 'yon?!" I screamed. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko sa harapan niya. "Eh bakit ako?! Nagagawa kong piliin ka sa kabila ng mga trabaho ko?! Why can't you do the same?! Huh?!" Nilapitan pa niya ako bago dinuro na para bang nawala na lahat ng pagmamahal niya sa akin. "Akala ko maiintindihan mo..." Napa-upo na lang ako at napatakip sa bibig. Hindi ito ang unang beses na nag-away kami ng dahil sa mga ganitong bagay. Pero sa tingin ko, sa lahat ng mga pinag-awayan namin, ito ang pinaka-malala sa lahat. "Look, El... I was just hurt because you ditched me. Nagluto ako at nag-ayos ng condo para sa'yo. You know I hate it when my efforts get botched up." Nilapitan niya ako bago siya lumuhod sa harapan ko. "Hindi naman inaasahan 'to eh... I'm so sorry." Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang aking kamay bago ko siya tinignan sa mga mata. "You know, El. You're gonna need to consider my feelings too. I worked hard for that date. I'm looking forward to it, and then this happened. Nasaktan lang ako. I'm so sorry for shouting." Hinila niya ang mukha ko papalapit sa kaniya. Matapos iyon ay saka niya ako hinalikan sa labi. Agad ko namang tinugon iyon. Nanatili kami sa aming posisyon ng ilang minuto bago kami dinala ng aming mga paa sa table niya. "I missed you, El. I missed making you all messed up." He said between our kisses. Ibababa na sana ni Jansen ang zipper ng dress ko nang bigla kumatok ang sekretarya niya. "Just a second!" Sigaw niya. Agad naman siyang umayos ng tayo bago inayos ang sarili niya. Nag-spray pa siyang muli ng pabango niya. "You need to go now. I have to work." "Okay... Gusto mo bang pumunta sa condo ko mamaya?" Naka-ngisi kong tanong sa kaniya habang inaayos ang dress ko. "Titignan ko." Iyon lang ang isinagot niya sa akin bago niya pag-buksan ng pinto ang sekretarya niya. "Sir, here are the papers that you asked for." Naka-ngiti ang sekretarya nang iaabot niya ang mga papeles kay Jansen. Dahilan kung bakit biglang nag-init ang dugo ko. "I'll go now, Bae. See you later." Hinimas ko ang braso niya bago siya hinalikan sa pisngi. Naka-ngiti akong lumabas sa opisina ni Jansen. Sana naman ay magkaroon ng clue ang babaeng 'yon na may nagmamay-ari na ng lalaking kaharap niya. Hindi ako madaling kalaban. 'Yon ang dapat niyang malaman. "Ma'am, remind ko lang po ha? After lunch po, you have a photoshoot with Sir Pietro for Mega. Naayos ko na po lahat, need niyo na lang po gawin is fitting." Pagpapa-alala ni Shane sa akin. "Hindi ko alam kung kaya ko pang harapin ang lalaking 'yon." Iyon lamang ang mga katagang lumabas sa bibig ko. Sa totoo lang ay talagang nawawalan na ako ng direksyon sa project na 'to. Wala akong maintindihan sa script, dagdag pa ang direksyon ng Direktor na 'yon. Hindi ko maintindihan kung anong gusto nilang palabasin sa pelikulang 'to. Mukha rin naman wala silang pakialam sa nilalaman ng pelikula, basta't nandoon kami ni Pietro, iyon lang ang mahalaga sa management. Dahil iyon lang din naman ang inaabangan ng mga tao, lalo na ng mga fans ng love team namin. PiLena PiLena ang tawag sa love team namin. Napapa-ngiwi na lang ako sa tuwing maririnig ko ang pangalan na iyon. Sobrang corny at pilit. Talaga naman hindi tugma ang pangalan namin ni Pietro sa isa't isa, pero ipinilit pa rin nila. Wala na rin akong nagawa kung hindi gawin ang sinabi ni Shane. Isinukat ko ang mga damit na isusuot sa photoshoot mamaya. Dress ito at Jumpsuit, pero sabi ni Shane ay meron pa raw kaming isusuot na pang-Corporate attire. Pakulo daw iyon ng manager ni Pietro. Matapos kong kumain ng tanghalian ay dumiretso na rin ako sa studio kung saan magaganap ang photoshoot. Nakita ko na agad ang isang van na naka-parada sa VIP area. Malamang ay kay Pietro ito. Talagang hindi na siya ulit naging late, huh? "El, the most beautiful! Welcome!" Agad naman akong sinalubong at bineso ng stylist pagkapasok ko sa studio. Bumungad agad sa akin si Pietro na nakatayo habang inaayusan ng buhok. Nakita kong nginisian niya ako. Ano na namang balak nito ngayon? Nagsisimula nang maging miserable ang buhay ko dahil sa kaniya at sa management na ito. "Hindi po ba ako late? Mukhang kanina pa siya dito, Mi." Tanong ko sa stylist. "Nako, hindi naman. Kadarating-rating lang din niyang si Pietro. Pero hindi ka naman late, El." Sabi ng stylist habang sinusuklay ang buhok ko. Tumango na lang ako sa kaniya Halos isang oras rin akong inayusan para sa unang picture. Light make-up lang ito, at suot ko rito ang dress na isinukat ko kanina. "Okay, ready kayong dalawa." Sabi ng photographer. "Pietro, lapit ka ng kaunti kay Elena, tapos hawakan mo siya sa baywang. Ikaw naman El, hawakan mo si Pietro sa jawline niya. Ready!" Ginawa namin ang sinabi ng photographer. Hinawakan ko siya sa bandang jawline niya. Ramdam na ramdam kong umiigting ito. Hinawakan niya din naman ako agad sa baywang. Ramdam na ramdam ko rin ang t***k ng puso niya. Amoy ko rin ang matapang niyang pabango na halos bumalot na sa buong pagka-tao ko. Nag-iba pa kami ng pose. May pose kami na nakahawak ako sa kanang hita niya habang naka-upo sa kaliwang hita. May pose din siya na hawak ang kamay ko habang naka-taas ito. At pang-huli ay iyong naka-suot na kami ng Corporate Attire. Naka-akbay ako sa kaniya habang siya ay mistulang inaamoy ang leeg ko. Nang matapos kami ay umupo lang ako sa may table, kaharap kung saan siya naka-pwesto. Naka-titig ako sa kaniya habang umiinom siya ng tubig. Hindi ko naman inaasahan na bigla siyang babaling ng tingin sa akin, dahilan kung bakit napadilat ako ng mata. Tumungo na lamang ako dahil sa labis na hiya. "Are you checking me out, Elena?" Pagka-tunghay ko ay nasa harapan ko na siya, naka-ngisi na parang nang-aasar. "Huh? Hindi, malamang." Matigas na sagot ko. "Okay." Sagot niya bago siya umupo sa tabi ko. "Our date yesterday was quite short. And you seemed... tensed. Okay ka lang ba?" "Oo." Pagka-sagot ko ay umipod ako ng kaunti palayo sa kaniya, dahilan para siya ay mapatawa ng kaunti. Umipod naman siya papalapit sa'kin bago ako tinitigang muli. "They're watching, at nakita kong may nagvi-video. Why don't we act as if we're good with each other, yes?" Suhestiyon niya. Agad naman ako napa-angat ng tingin sa paligid. Nakita ko ang ibang mga crew na naka-titig sa aming dalawa at patagong nagvi-video. Tiyak na magagalit na naman si Jansen nito kapag nalaman niya. "Just so you know... I hate doing this. Pati personal na buhay ko, nadadamay nang dahil dito. I can't believe you agreed to this. I thought you were a better person, Pietro. You keep on proving me wrong."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD