"Naka-handa na ba ang lahat?"
Narito ako ngayon sa set ng bago naming pelikula. Pinilit kong makarating ng maaga dito para naman walang masabi sa akin ang mga katrabaho ko. Narito na rin ang Direktor at ang Producer. Pati ang mga ilaw ay naka-set up na. Pati ang ibang cast ay nandito na. Isa na lang ang kulang.
"Wala pa po si Sir Pietro."
Simula na ng kalbaryo ko. Ilang minuto na siyang late, malapit na mag-isang oras pero wala pa rin kaming natatanggap na message mula sa kaniya. Kahit mag-sabi man lang siya o magpaalam na mahuhuli siya. Hindi ba siya nahihiya?
"Ano ba yan.. Ang gwapo pa naman niya kaso masyadong pa-VIP." Rinig kong sinabi n'ung isang crew member. Napakunot na lang ako ng noo.
"Okay! Since wala pa siya, why don't we start on the solo shots, yes?" Ngumiti ang Direktor at tumingin sa akin. "Handa ka na ba Elena?"
Tumango ako at ngumiti.
"Okay! We'll just change the set up. Stand by ka na diyan, Elena, okay? Double time, people!"
Magsisimula na sanang mag-buhat ang mga crew nang biglang may dumating.
"I'm here! I'm here! You don't have to change the set up!" And there he is.
Pietro gave me a small smirk. Pawis na pawis siya at hinahabol pa ang hininga. Saan ba siya nanggaling at mukhang pagod na pagod pa siya?
"I'm sorry. My tire broke in the middle of the road. I left it and ran. I'm sorry, Ms. Elena, for waiting." Inabutan siya ng crew ng tuwalya na agad naman niyang ipinangpunas sa mukha niya.
"That's fine, Pietro. We understand." Ngumiti sa kaniya ang direktor. "You're gonna have to fix your look ha? We'll just wait for you." Hindi mawala ang ngiti ng direktor sa kaniya. Halatang natitipuhan niya ang binata.
Kahit sa pagkakaalam ko ay kasal na siya sa isang businessman.
Nag-intay pa kami ng mga ilang minuto kay Pietro dahil nag-aayos pa siya sa dressing room. Hindi na mai-pinta ang mukha ko dahil doon. Ilang oras na rin ako dito sa set na ito. Halos isang oras na din ako nakaayos, na-practice ko na rin ang script. Siya na lang talaga ang iniintay.
"I'm ready. I'm sorry again for the delay. Shall we start working, Ms. Elena?" Ako agad ang una niyang nilapitan.
"Just Elena. Cut off the 'Miss', please." I told him while fixing my sleeves.
"Okay, then, Elena. Such a nice name. It suits you." Sinabi niya iyon bago mauna sa harapan.
"Ready, everyone! And action!" That's the signal of the director for us to start. The set went silent immediately. Parang may dumaang anghel sa lugar at bigla itong kinain ng katahimikan.
"What's your name, Miss?"
"Hindi kita kilala, so you don't need to know my name." That was my line.
"Eh 'di ba nagpakilala na ako sa'yo last time? Hindi mo na agad ako tanda?" He said in his deep manly and baritone voice. It kinda sent a vibration to my body. That was something rare for me.
"Hindi."
"Grabe naman 'yon, Miss. Muntik na kaya akong mamatay n'on! Tapos makakalimutan mo lang pangalan ko? Teka, okay ka lang ba? May tinataguan ka ba?"
"Wala ka na do'n." Nagsimula akong maglakad papalayo sa kaniya. Bahagya niya akong sinundan. Nakasunod din sa amin ang camera man.
"Sigurado ka ba, Miss? Mukhang delikado na dito sa parteng ito ng gubat. Sigurado ka bang diyan ka dadaan, Miss?"
"'Wag mo na akong sundan, please."
"Eh baka kung anong mangyari sa'yo diyan, Miss. Tapos ako pa masisi."
"Hindi ako pwedeng makita na may kasamang ibang tao. Kaya pwede ba? Tantanan mo na 'ko."
"Bakit? Hindi naman ako masamang tao ah?" He chuckled before giving a soft and convincing smile.
"Hanggang dito ka na lang. Kailangan ko nang umalis. 'Wag mo akong susundan!" I ran as if someone is chasing me.
Itinapat lang nila ang camera sa mukha ng karakter ni Pietro bago ito iniharap sa akin.
"And cut! Bravo!" Tumayo ang direktor at agad na pumunta sa harap ni Pietro upang purihin siya. "You did so good, Pietro! Same sa'yo, Elena! Good job, everybody!"
Malandi. Sa isip-isip ko man. Inirapan ko na lamang sila bago ako bumalik sa table ko para uminom ng tubig at mag-retouch.
Naka-ilang scenes din kami ngayong araw. Palipat-lipat pa kami ng lugar. Pero hindi pa rin tinatantanan ng direktor si Pietro.
Teka, bakit ba may pakialam ako? Malay ko ba sa kanilang dalawa. Mukha namang sakay na sakay din si Pietro sa ginagawa ng direktor. That's the least of my concern.
"Elena, mas mabuti sana kung mag-build kayo ni Pietro ng magandang relationship sa isa't isa, 'di ba?" Sabi sa akin ng producer.
"Fine, I'll try." My face, still empty and irritated.
"You should. This is a big project. You need to show the people that you two like each other. Para mas maraming kitain ang project na ito. This is for your own good." Pagkasabi niya ay lumabas na siya sa dressing room ko.
Sa sobrang iritasyon ko ay lumabas na rin ako at pumunta sa may garden ng lugar.
"Bakit ako lang ang maga-adjust?" Sabi ko sa sarili ko.
"Who are you talking to?"
Muntik na akong mapatalon sa kinau-upuan ko nang marinig ang boses na iyon. Anong ginagawa niya rito?
"Hanggang dito ba naman, ikaw pa rin ang kaharap ko, huh?" I asked him straight with my very fierce aura.
"Chill." Itinaas niya ang dalawa niyang kamay. "Why're you so mad at me? Ano bang nagawa ko?" Nakakunot ang noo niya habang naglalakad papalapit sa akin.
"You're boastful. And you act as if you're a VIP here. Dumating ako dito ng sobrang aga from Manila to make a good impression to my co-workers. Anong nangyari sa akin? Nag-antay ako ng ilang oras dahil sa'yo. That's one of my pet peeves." I told him without flinching and leaving the sight of his eyes.
"Well, I thought you understood my situation earlier? Flat nga 'yung gulong ng kotse ko. Hindi ko naman inasahan iyon, okay? I didn't mean to make you wait." Pag-depensa niya agad.
"I don't care." I made a face. "You should've checked it first, then, and you should've left Manila earlier. You are so unbelievably unprofessional, Mr. Trinidad."
"And you are so incredibly wicked, Ms. Cortez." He said with conviction. Mariin pa siyang umiling.
"I'll take that as a compliment." I answered, with my eyes, still not leaving his.
"I was really hoping we'd be on good terms."
"Sa ugali mong 'yan? Sa tingin mo talaga na magkaka-ayos tayo?"
"You barely know me. You have no grounds to say that."
"I have seen enough, Pietro." He was silenced for a moment.
"The producer said we should start showing the public that we like each other. It's for our own good." He gave me a deep stare.
"Same to me." I stared back.
"Then, would you like to go on a date with me?"