Jessica Quinn’s POV “Klaus, gusto mo bang doon na lang tayo sa unit ko tumuloy?” Nakahilig ang ulo ko sa tapat ng dibdib niya habang pinaglalaruan niya ang buhok ko sa daliri niya. Nasa ilalim kami ng puting comforter at parehas na walang saplot. This is what he wants. Cuddle. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat na in-enjoy namin dito sa Boracay. Kung ‘yong dagat ba o ‘yong kama rito sa hotel nila. Pero mamaya I am sure na lalabas ako para manood ng sun set lalo na’t maganda ang panahon. Ayokong umuwi na lang na napagod lang sa loob ng kwarto. “Hindi mo na kailangan magtanong,” ani ni K. “Sa’yo naman talaga ko uuwi.” Mahina akong natawa sa sinagot niya sa akin at inangat ko ang ulo ko. Ngumiti ako kay K at hinalikan ko ang dibdib niya. “Hindi rin naman uuwi roon ‘yong kaib

