Jessica Quinn’s POV Palakad-lakad ako sa harapan ng kama ko habang nakahawak ako sa tapat ng dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng t***k nito ngayon dahil kay K. Ako ang unang nagsabi sa kanya ng word na ‘yon tapos ngayon para kong tanga na hindi mapakali dahil sinabi niya rin pabalik! Oh, God! Bakit ba ganito ang ginagawa sa akin ni K? Bakit ba hindi ako mapakali ngayon at para kong masisiraan na ng ulo ngayon. “Ma’am Jessica?” Mabilis akong napalingon sa pinto ng kwarto ko dahil sa katulong namin na kumakatok sa pinto ng kwarto ko. “Bakit?” tanong ko pabalik at naglakad ako palapit sa pinto. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ko pabukas ang pinto. Hinila ko ‘yon at nakita ko ang kasambahay namin suot ang uniform niya. “Inaantay na po kayo ng Kuya Jacob niyo sa baba. Aalis na

