Jessica Quinn’s POV Walang magbabago kung nasa loob lang ako ng kwarto. Dapat malaman niya na wala siyang kahit na anong epekto sa akin. Na wala akong pakialam kahit na anong sinabi niya kahit ang totoo masakit. “Where are you going, Jessica?” Paglabas na paglabas ko ng kwarto ko, ‘yon agad ang tanong sa akin ni Kuya na nadaanan ko sa living area kasama ang kaibigan niya. “Sa beach muna, Kuya,” sagot ko. I’m wearing my white short shorts at isang white tank top at sa panloob ko naman ay ang pink kong two piece swim suit. “Come back before dinner," Kuya said at tumingin pa siya sa wall clock na nasa taas ng t.v. “7:30.” “Yes, Kuya,” sagot ko at naglakad na ko palapit sa pinto ng suite namin. 5:15 pa lang naman at mahaba pa ang oras ko at gusto ko talagang mapanood ang sunset nga

