Jessica Quinn’s POV “Saan ka galing kagabi?” ‘Yon agad ang tanong sa akin ni Kuya pagpasok na pagpasok ko sa dining hall. Basang-basa pa ang buhok ko dahil kaliligo ko lang at hindi ko na naisipan na mag-blower dahil tinatawag na ko ng katulong para mag-almusal. “Sa condo ko, Kuya,” sagot ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil natatakot akong mapansin niyang namumugto ang mga mata ko dahil sa kaiiyak. Hindi ako pinatulog ni K dahil sa nangyari kagabi. Hindi rin ako umuwi agad dahil kailangan kong ikalma muna ang sarili ko at pigilin ang iyak ko bago umuwi. Ayokong makita ni Kuya na umiiyak ako. “Why did you go there?" he asked. “Tinignan ko lang si Astrid, Kuya…” mababang boses na saad ko. Hindi na kumibo pa si Kuya sa akin na kinapasalamat ko kaya nagsimula na kong

