Jessica Quinn’s POV “Where are you?” Napakagat agad ako sa ibabang labi ko dahil sa tanong sa akin ni Kuya mula sa kabilang linya. Nakaupo ako sa silyang nandito sa balcony habang si Klaus naman ay nakasandal sa railings at nakatitig sa akin. Pinakawalan ko ang labi ko at sumagot, “Sa bahay ng friend ko, Kuya,” pagsisinungaling ko. Sigurado nanghingi siya ng update sa mga tauhan niya at nalaman niyang wala ako sa bahay kaya ito siya ngayon at tumatawag sa akin. “Bakit?” tanong ko pa. “Nothing, Jessica. Go home tonight.” Napaupo ako nang maayos bigla dahil sa sinabi ni Kuya at naramdaman ko rin ang pagdaan ng kirot sa p********e ko. Pero hindi na gano’n kasakit tulad kagabi dahil kahapon ay nagbabad ako sa hot tub at tsaka ngayong umaga bago ako maligo. Kahit pa paano nakatulong

