Jessica Quinn’s POV May magagawa pala siya sa galit ko huh. Talagang mas okay sa kanya na hindi ko siya kausapin basta magawa niya lang ang gusto niya sa mga dati kong kaibigan. Gano’n siya kagalit ngayon. Maling-mali na sinabi ko pa sa kanya ang tungkol sa bagay na ‘yon. Parang ginising ko lang ang demonyo sa loob niya. Ilang araw siyang sobrang bait sa lahat. Maganda ang mood, hindi sumisigaw at hindi nagsusungit pero ngayon mukhang wala na ang maganda niyang mood. It’s Friday, 5:00 P.M. Kailangan kong umuwi na sa condo ko dahil may usapan kami ni Astrid na magkikita kami sa unit ko dahil may long drive kami ngayong weekend. Kailangan na matuloy ‘yon dahil ayaw na ayaw ni Astrid na hindi natutuloy ang lakad namin. Kaya naman pagtapos kong mapatuyo ang buhok ko, tumingin ako sa

