Jessica Quinn’s POV “Take care, Jessica.” Tumango ako kay Kuya at dahan-dahan kong pinakawalan ang kamay niya na hawak ko. Ito ang pinakaayoko sa lahat. Ang magpaalam sa kanya dahil alam kong hindi ko na naman siya makikita at maririnig ko na lang ang boses niya sa kabilang linya. “Bye, Kuya. Mag-iingat ka palagi…” Pinigilan ko na pumatak ang luha mula sa mga mata ko kahit gustong-gusto ko ng umiyak kanina pa. Aalis na siya at ito ang pinakaayoko sa lahat. “Go inside, Jessica,” utos sa akin ni Kuya. Mabilis akong tumango sa kanya at tumalikod na ko. Humakbang ako papasok ng bahay namin pero hindi ko mapigilan na lingunin si Kuya. Nakatayo pa rin siya sa tapat ng van at pinapanood ako na pumasok. Alam ko naman na ayaw niya lang na makita ko siyang umalis. Ngumiti muli ako kay Ku

