Chapter 2

1098 Words
6 taon ang nakalilipas, Kolehiyo (1992) Jasper's POV 3rd Year College, BSED Major in Mathematics, Jasper Dela Cruz. Maraming taon ang lumipas at halos nakalimutan ko na ang mga nangyari sa aking kabataan. Ngunit isa lamang ang nanatili, 'yun ay si Paulo. Paulo Buenavista, 3rd Year College, BS in Business Administration. Ibang iba na kami sa dati. Ang dating pilyo at pasaway, at ang dating mataba at mahiyain, ngayon ay masipag at malapit nang makapagtapos ng pag-aaral. Cafeteria (1992) Isang ordinaryong araw sa cafeteria. Kumain kasama si Paulo. Isang babae ang humagilap sa aming paningin; maputi, maganda ang korte ng katawan, matangkad at mahaba ang buhok, ani mo'y isang diwata. "Mukhang bago ata si Sexy" ika ni Paulo. "Tumigil ka hoy! Baka marinig ka pa niyan, mabugbog kapa" sabi ko sa kaniya. "Ako mabugbog? Papahuli ba ako?" sagot niya sa akin. "Tumigil ka nga, hindi mo pa nga nakikita yung mukha eh." ugoy ko sa kaniya. "Alam ko namang maganda 'yan. Manuod ka, gagamitan ko ng secret weapon" halakhak na sagot niya sa akin. Kinuha niya sa kaniyang bag ang kaniyang tinatawag na 'secret weapon' (panyo na pang babae). "Ayan ka nanaman, bibisyo ka nanaman" sabi ko sa kaniya. Nilapitan niya ang babae habang kumakain. Sinadya niyang hinulog ang panyo sa tabi ng babae, napansin ito ng babae. Kinuha ni Paulo ang panyo sa sahig, sabay sabi na... "Miss, panyo mo nahulo—" patigil na sabi ni Paulo sa babae na parang nakakita ng multo. "Hindi akin 'yan ku—" pahinto na sabi ng babae. Nakita ko ang nangyari at nagulat ng makita ko ang mukha ni Agatha. "Agatha?!" ika ni Paulo. "Paulo?! Ikaw ba 'yan?" sabi ni Agatha kay Paulo. Tumingin sa akin si Paulo at napatingin na rin si Agatha. "Si Jasper yun? Magkasama parin kayo?" ika ni Agatha kay Paulo. Parehong Araw at Oras (1992) Pagkatapos magkagulatan, nagkamustahan at kwentuhan kaming tatlo habang kumakain. "Kamusta kayo? Hindi ako makapaniwala na magkasama parin kayo hanggang ngayon." Galak na sabi ni Agatha. "Oo nga eh hindi ko rin inaasahang makikita ka namin sa paaralang ito." sagot ni Paulo kay Agatha. "Transferee kaba?" tanong ko kay Agatha. "Hindi, freshman ako" sagot sa akin ni Agatha. "Huminto kaba sa pag aaral, ano ba kurso mo? " ika ni Paulo. "Oo eh, mahabang kwento, 1st Year BSED Math" sagot ni Agatha. "Ah... Magka-department pala kayo ni Jasper." Ika ni Paulo. "Mabuti naman kung ganon! Pwede mo'kong matulongan sa acads ko! Aasahan kita ha" galak na sabi ni Agatha sa akin. Palihim kong tinadyakan si Paulo sa ilalim ng mesa, sabay pinakain ng pandesal. Nahagilap sa aking isipang itanong kay Agatha kung nasaan na si Natalia, nang may sumigaw ng kaniyang pangalan. "Agatha! Halikana may klase pa tayo." Sigaw ng kaniyang kaklase. "Oo nga pala. Sige ha, salamat sa oras niyo, sa susunod ulit. Jasper, aasahan kita ha." Sabi niya sa amin sabay umalis. "Sige. Ingat ka." Ika ni Paulo. Nang makaalis si Agatha... "Mas gumanda si Agatha no? Ang ganda, parang anghel" sabi ni Paulo sa akin. "Nakalimutan mo na bang nilait-lait ka niya dati?" ika ko kay Paulo. "Noon yun, iba na ngayon! Liligawan ko yan sa susunod, abangan mo" sagot ni Paulo sa akin. "Bahala ka, basta ako mag aaral na lang ako." ugoy ko sa kaniya. Library (1992) Nakita ko si Agatha nakaupo sa aking pwesto sa libary. Nagdalawang isip akong puntahan siya para makapagbasa na rin ako. Nang magdesisyon akong umalis at bumalik na lang mamaya, tinawag niya ang aking pangalan. "Jasper! Halika!" sigaw ni Agatha. "Shh, silence" saway ng Librarian sa kaniya. "Sorry ho, Ma'am" pabulong na sagot ni Agatha sa Librarian. Nilapitan ako ni Agatha at hinablot ang aking kamay patungo sa kaniyang pwestuhan. "Tulungan mo naman ako oh" may ngiting hiling sa akin ni Agatha. Napatanong ako sa aking sarili kung bakit tila nagbago si Agatha. "Pano ka nagkaganiyan?" tanong ko kay Agatha. "Bakit? May problema ba? Nagpapaturo lang naman ako sayo ah" sagot sa akin ni Agatha. Ang dami kong gustong tanungin sa kaniya; kung bakit nandito siya, bakit ganito ang pagtrato niya sa akin, bakit ibang iba na siya ngayon. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Lumabas na lamang sa aking bibig ang hindi niya inaakalang sasabihin ko. "Huwag ka ngang magpanggap! Alam kong hindi ka parin nagbabago!" galit na sabi ko sa kaniya. Natulala na lamang si Agatha, hindi umimik at dali-daling umalis. Nakita ko ang kaniyang matang lumuluha habang papalayo. Hindi ko inaasahang sasabihin ko iyon sa kaniya. Pinagsisihan ko ang aking sinabi ngunit wala akong ginawa pagkatapos ng insidente. Kinabukasan, hinanap ko sa Campus si Agatha. Hindi ko siya matanaw kaya nagtanong tanong ako sa mga kaklase niya. "Hindi ko nakita eh" paulit ulit na ririnig na mga sagot mula sa kanila. Hanggang sa napagtanto ko na hindi talaga siya pumasok sa araw na iyon. Lubos ang aking pagsisisi sa mga mapanakit na salita na nasabi ko sa kaniya. "Lumiban siya sa klase dahil sa'yo, yan' tanga-tanga kasi di muna nagiisip ng mabuti bago sabihin ng bibig" sermon ko sa aking sarili. Sumunod na araw hindi ko parin matanaw si Agatha... Mukhang naapektuhan nga talaga siya ng lubos sa mga nasabi ko. Kinabukasan ulit, hindi nanaman siya pumasok sa eskwela... Ako'y nagtataka na, mukhang seryoso na ata ang pinagdaraanan ni Agatha. Mukhang hindi na ata ito tungkol sa sinabi ko sa kaniya, mas mabigat na ata ang kaniyang dahilan sa pagliban. Dahil sa aking pangamba, tinanong ko si Paulo kung alam niya kung saan nakatira si Agatha. "Paulo, diba dinidiskartehan mo si Agatha? Alam mo ba kung saan siya nakatira ngayon?" tanong ko kay Paulo. "Dinidiskartehan ko siya oo, pero di ko alam kung saan siya tumutuloy ngayon. Ayon sa aking balita, wala siya sa kaniyang dating tinutuloyan. Umalis daw siya at di nagpaalam." sagot sa akin ni Paulo. Pighati ang aking naramdaman nang marinig ko iyon kay Paulo. Ako'y nangangamba sa nangyari kay Agatha. Nagtataka kung nasaan siya, kung ano ang kaniyang pinagdadaanan dahilan ng kaniyang pagliban sa eskwela. Sinubukan kong kunin ang kaniyang numero kay Paulo, ngunit hindi ito binigay sa akin. "Bakit naman? Didiskartehan mo rin ba si Agatha? Bakit ka ba nag-aalala sa kaniya? Diba ang iyong gusto naman ay ang kaniyang pinsan? Ganiyan ka na ba ka desperadong makita ulit si Natalia?" ika niya sa akin. Hindi ako makapagsalita sa kaniyang nasabi. Hindi ko rin masabing hindi ako apektado kay Agatha dahil sa aking mga nasabi sa kaniya. Tama nga naman si Paulo, bakit nga ba ako nangangamba kay Agatha? Bakit nga ba hinahanap ko yung taong hindi ko naman gusto?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD