Chapter 25 "SOFIA GET UPPP!" Sigaw namin nila Sonara at Hailee habang kanina pa namin ginigising si Sofia na hanggang ngayon ay napakahimbing ng tulog. It's already 5:30 am, at 6:00 am ang breakfast. Hindi ko naman alam na ganito kahimbing matulog itong si Sofia. Nakagayak at nakabihis na kaming lahat ay hindi pa rin siya nagigising! "Hmmmm," naningkit ang mga mata ko at nawawalan na ng pag-asa kay Sofia na mula kanina ay ungol lang niya ang naririnig namin. "What the f*ck, wake up!" Hinampas na siya ni Sonara ng unan ngunit tila ba ay balewala iyon kay Sofia at hinawi lang ang buhok niya habang nakapikit pa rin. "Is she always like this?" Tanong ni Hailee at hinabol ang hininga matapos subukan na hilahin si Sofia kanina. Wala ng pag-asa ang mukha ni Sonara na tumango-tango sa amin

