Chapter 19 "Hey," napapitlag ako sa biglang pagdating ni Jayden. "Jayden," ani ko, at pilit na inayos ang aking sarili. Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko kakaisip ng lahat. I have to tell Jayden that her mother has a cancer and she's dying, pero hindi ko alam kung paano ko iyong masasabi sa kanya. Dumagdag pa ang pagsampal sa akin ni Tamara ng reyalidad. Everything sinked in on me. When this competition began, they never said that only one band would win, but only one person and not a band. It's killing me slowly. Ang isipin ko na hindi kaming lahat ay mananalo, napupuno ako ng takot, kaba, at lungkot sa aking dibdib. I want all of us to win. I want my whole band to win. But only one must win, not all of us. It's tearing me apart. Na kailangan kong labanan ang sariling banda ko.

