Chapter 1

2501 Words
Chapter 1 "You will not go to that Academy!" Malakas na sigaw ni Daddy sa akin. My tears keep falling from my eyes while I continue packing my things. Masakit ang aking dibdib at hindi ako makahinga ng maayos. But I want to become a singer and be popular, not for myself, but for my Mother who passed away when I was 7 years old. "I will, Dad," matigas kong saad at pinahid ng isang kamay ang luha sa aking pisngi. "Hindi mo na 'ko mapipigilan." Isinukbit ko ang bag ko at hinila ang maleta. "Are you disobeying me now, Eliana?!" Dire-diretso ako sa paglalakad palabas ng kwarto ko. Naka-sunod ito sa akin at hindi ako tinigilan. It's always been my dream to be a singer and to write my own song. Ngayong may isang pinto ang nagbukas para sa nangangarap na tulad ko ay hindi ko hahayaang hadlangan ako ng sinoman. "Ano'ng mapapala mo sa pagkanta at pagsulat ng kanta?! You're not even famous enough to pursue that career!" Galit niyang pahayag sa akin. "How about Mom?! She was not famous before she became a famous singer, Dad!" Huminto ito at naglaho ang galit sa kanyang mukha. Tila ba ay naaalala nito ang alaala ni Mommy. "Ang usapan natin ay arkitektura ang kukunin mo, Eliana. I didn't allow you to become a singer!" Pag-iiba niya ng usapan. Umiling ako sa kanya. "I never agreed to that, Daddy," huminga ako ng malalim, "With or without your permission, I will go to the Music Academy." Elaina Galves. That's my Mother. One of the famous singers and songwriters. Until now, her name never vanished in the Music Industry. A lot of people still know her even though she passed away a long time ago. She taught me how to sing, and how to write songs. She inspired me of how she became a famous singer that many people admired. "You will not be a famous singer, Eliana." Siguradong pahayag ni Daddy sa akin. Muli akong umiling sa kanya. It hurts to hear that from my own Father. "I promised her to become a singer and write a lot of songs," bumagsak muli ang luha sa aking mga mata, "And I will be one, Dad. I will go to the Music Academy, at babalik akong hindi lang isang singer at manunulat ng kanta," pinahid ko ang luha sa aking mga mata, "Babalik akong sikat, and I will prove you wrong." Hinila ko ang luggage ko bago ko siya tinalikuran. No one knows how many tears fell down from my eyes as I turned my back to my own father and chose the path I wanted to walk in. "Eliana!" I heard him shout my name. But I was too determined to leave and make my dream happen. Tiningnan ko ang puting envelope na pinadala ng Music Academy. It's an invitation from them. I was chosen to have the chance to be a famous singer and to participate in the competition they will have. I don't know what will happen. Ngunit isa lang ang alam ko. I will be a famous singer and songwriter, at all costs. Sumakay ako sa taxi papunta sa Music Academy. Dala ko lahat ng kailangan ko. I even brought my notebook, where I am writing songs. Masakit sa akin na hindi sundin si Daddy. Masakit na hindi ko pinili ang pangarap niya sa akin. But what should I do? My heart chose the path that my Mom wants me to walk through. I will not see my Dad for a long time. At batid ko na mamimiss ko ito. Wala akong ideya kung ano ang mga mangyayari sa pananatili ko sa Music Academy. But I will do everything to survive. This is for you, Mom. "Heto na po tayo." Napalingon ako sa driver saka ko lamang nakita ang labas. Bumungad agad sa aking mga mata ang malaking nota ng musika sa harapan ng Music Academy. Bumalandra agad ang ngiti sa aking mga labi. Naramdaman ko ang kasiyahan sa aking dibdib. Inabot ko ang bayad bago ko nagma-madaling binuksan ang pinto at kinuha ang aking mga gamit. As the taxi left, naiwan ako na nakatayo sa harapan ng mataas na gusali ng Music Academy. Iba't ibang mga estudyante na ang mga pumapasok dala ang kanilang mga gamit sa loob. I smiled and looked at the invitation I received. Huminga ako ng malalim bago ko hinila ang luggage ko at may ngiti rin na pumasok sa loob. "Welcome to Music Academy, may I see your invitation?" Nakangiti at pormal na saad ng babae sa akin. Tumango ako at agad na ibinigay sa kanya ang imbitasyon na aking natanggap. Binuksan niya iyon at tiningnan bago ako muling tiningnan sa aking mga mata. "It's nice to have you, Ms. Eliana Ivy Buesca! Welcome to Music Academy, where you can live your dreams!" masaya niya akong pinapasok dala ang aking mga gamit at inabot sa akin ang isang red na t-shirt, "Wear it inside." Binuksan ko agad ang t-shirt at bumungad sa akin ang nakasulat sa harapan nito na, Singer & Songwriter. Bumalandra muli ang ngiti sa aking labi nang nabasa ko iyon. Nilibot ko ang aking mga mata at napansin ko ang kasuotan ng mga nasa loob na. Marami na ang tao at maingay na rin ang paligid sa may gym. Iba't iba ang suot nilang mga t-shirt. Katulad ng t-shirt na ibinigay sa akin ay meron din mga nakasuot ng ganito. Meron din naman na nakasuot ng kulay blue na t-shirt at nakalagay ang salitang, drummer, guitarist, Pianist. Sa palagay ko ay para iyon sa mga musician lang at hindi kumakanta. There are also people who are wearing a color green shirt with the word, singer. Sa tingin ko ay pagkanta lang ang kanilang gusto at kakayahan sa musika. Bumuga ako ng hangin at hinanap na ang CR. Sa paghahanap ko ay namasdan ko na rin ang maraming achievements ng mga sikat na manunulat ng mga awitin, singers, drummers, pianist, guitarists, at iba pa na nakasabit sa mga dingding. Mas lalo akong sumaya roon. "Isang araw, makikita ko rin ang sarili ko rito." Bulong ko sa aking sarili. Nahagip ng aking mga mata ang litrato ni mommy. Napakaganda niya talaga. Maging ang lahat ng awards na hinakot niya ay narito. Itinaas ko ang kamay ko at handa na iyong hipuin. "No, don't do that." Napasinghap ako sa biglang pagsulpot ng isang babae na maputi at unat na unat ang buhok na may highlights pang blonde. She smiled at me, bago tiningnan ang litrato ni Mommy. She's pretty. Mula sa mga mata nito na maganda ang hugis at ang pilik mata niya na makapal at mahaba, pati ang ilong nito na maganda ang tangos, hanggang sa mga labi nito na mapupula. Kasing tangkad ko lang din siya, pero sa tingin ko ay mas payat ako sa kanya. But I can see how sexy she is. "We are forbidden to touch those. The academy is cherishing all the awards of the singers, songwriters, drummers, guitarists, pianists, at ang lahat ng mga nagmula sa kompetisyon na ito. But remember, we're students here who are thriving for our dreams." Mahaba niyang kwento at kinindatan pa ako sa huli. Hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon ko sa kanya. Nang napansin niya na wala akong balak magsalita ay tiningnan nito ang t-shirt na dala ko. Katulad ng akin ay iyon din ang kanyang suot ngayon, "Are you looking for the CR?" Hindi na niya ako hinintay sumagot at hinila na ako papunta sa CR. Hanggang sa pagpunta roon ay wala akong kibo. How can she act and talk to me like we know each other? I envy that. "Go, magbihis ka na!" Aniya, at tinulak pa ako sa loob saka naghintay sa labas. Bumuga ako ng hangin at napangiti sa kanya. She's crazy. How can she act like that to someone she doesn't know? I wonder who she is. Not bad, at least ay may kasama ako kahit paano sa pagsisimula ko sa Academy na ito. "Grabe, ang daming gwapo dito." "Imagine, having just one or two of them in our band!" Napailing ako sa dalawang nag-aayos sa harap ng salamin dahil sa kwentuhan nila. Parehas itong naka blue ngunit magkaiba ang nakasulat sa mga damit nito. Guitarist and Pianist. Wala sa sariling napatango ako bago ako lumabas. "Halika na! Magsisimula na!" Hindi pa ako muli nakaka-sagot ay hinila na ako nito sa gitna ng maraming tao. "Good morning, everyone!" she greeted, and then her voice echoed, "It's nice to see a lot of you here, in the Music Academy!" Naghiyawan ang lahat at halos mabingi na ako sa sigaw nila. Kahit si Hailee ay nakikisali rin. Maganda ang babae sa stage. Sa tingin ko ay may edad na rin ito, ngunit hindi iyon masyadong halata sa kanya, "Ngayon pa lang, I can see a lot of stars to all of you!" Mas lalong maghiyawan ang lahat dahil doon. Ngunit isa ako sa mga napangiti. I will be a star, mommy. "Hindi na ako magpa paligoy-ligoy pa." Sandali itong tumikhim, "Marami na ang mga sikat ang nagmula rito. And now, we are open again, to help all of you live your dreams. But, all of you must face challenges that will challenge each of you." Nag bulungan ang lahat habang ako ay masinsinan lang na nakikinig. "The competition begins." Komento ng babaeng kanina pa ako hinihila. "Remember, this is not an ordinary school. In this academy, you are a student who's in a competition. You have a lot to learn to become a star. Everyone around you can leave and betray you, because to live your dreams, you have to compete to show the real star." Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko na ang tensyon sa aming lahat. Kailangan ko ihanda ang sarili ko sa lahat ng haharapin ko rito. I have to survive. I have to be a star. I will prove you wrong, Dad. And I will do what I promised to you, Mommy. Hindi ko kayo bibiguin. "You will be given a lot of tasks," she said, to all of us, "Your first challenge starts now!" Malakas na musika ang sandaling tumunog sa buong gym. Hanggang sa bumalandra sa aming lahat ang nasa powerpoint. Build your band. Kumunot agad ang noo ko, ngunit kumabog ang aking dibdib sa oras na iyon. Nakaramdam ako ng kaba. Sa dami namin dito ay hindi ko alam kung makakahanap ako ng mga tama kong makakasama. "Build your band," mapanghamon niya kaming tiningnan, "That is your first task," she said, and then she smiled, "Bibigyan namin kayo ng limang oras para mahanap ang makakasama ninyo sa banda. After that, we will explain all the rules and challenges you will face as a band." Sumenyas ito sa lalaki sa gilid at maya-maya pa ay bumalandra na ang oras sa harap. "Time starts now!" Nagkagulo na ang lahat at nagmadali sa paghahanap. Hinawakan ako ng babae na hila ng hila sa akin. "Be with me," aniya, at kumindat. Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Eliana Buesca," ani ko, at inabot agad ang aking kamay sa kanya. "Hailee Harper, at your service!" Aniya, at mahinang tumawa. "Now, we need a guitarist, drummer, and a pianist," pahayag ko. Tumango naman siya at inilibot ang paningin. Ganun din naman ang ginawa ko. Pero sa dami namin ay hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Halos magkagulo na lahat para makahanap at makabuo ng banda sa limang oras. "Hey, do you want to j--" Umikot ang mga mata ni Hailee, "Edi 'wag!" Inis na sigaw ni Hailee nang hindi siya pansinin ng isang kinakausap. Tiningnan ko ng mabuti ang lahat at naghanap ng maaari pa namin maging kabanda. "Are you looking for a band?" Sabay kaming napalingon ni Hailee sa isang babae na may lollipop pa sa kanyang bibig. Tiningnan ko agad ang suot nito na t-shirt. She's wearing a red shirt. Pare-pareho lang kami ng nakalagay. "Yes. But you are also a singer and songwriter. We need someone who can play dr--" "I have someone with me, dear." Kumindat siya at tumingin sa kanyang likuran. Maigsi ang buhok ng babaeng may subong lollipop at may highlights na gray ang likod ng kanyang buhok. Maganda ito at matangkad. Maputi rin ito. She looks cool. "Hi, I'm Sonara and this is Sofia," aniya, at itinuro ang babaeng may subo na lollipop sa bibig. Sonara's hair is wavy and long. Kabaligtaran ng buhok ko. Sakto lang ang puti nito at maganda rin. Mukha itong mabait at inosente. Nagkatinginan kami ni Hailee. "I'm Eliana, welcome to the band!" Masaya kong pag welcome sa kanila. "I'm Hailee." Pakilala na rin ni Hailee. Matapos iyon, ilang oras ang lumipas at wala pa rin kaming guitarist at drummer. Isang oras na lang ang meron kami para maghanap. Pero eto kami sa isang gilid at hindi maipinta ang mga mukha matapos namin maghanap at lahat kami ay tinanggihan. "Sure na ba ko sa Academy na 'to? Dapat ata nag law na lang talaga 'ko." Nagsisisi na saad pa ni Sofia at tinapon ang stick ng lollipop kung saan. "We only have 1 hour," ani ko. Buo na ang ibang banda at nag-uusap-usap na. Habang kami ay narito pa rin at kulang pa. "Anong gagawin natin? Choosy pa ang mga nandito!" Inis na saad ni Hailee at sumandal na lang sa pader. Bumuga ako ng hangin. Kanina lang ay ang lakas ng loob ko. Ngayon ay nawawalan ako ng pag-asa. Unang pagsubok pa lang ay hirap na kami. Paano pa sa mga susunod? Dalawang pares ng sapatos ang bumungad sa aking mga mata. Tumaas agad ang tingin ko at bumungad sa akin ang lalaking may ngiti sa kanyang labi. Dumako agad ang mga mata ko sa drum sticks niyang dala. Nakasuot ito ng denim jacket at denim pants. Lumiwanag ang mukha ko ng bumalandra sa akin ang nakasulat sa t-shirt nito. Drummer. "I'm Jeremiah Santiago, can I be your band's drummer?" Wala sa sarili akong tumango. "Of course! I'm Hailee, and this is Sofia and Sonara!" Nabuhayan ng loob ang tatlo at tuwang-tuwa sa pagdating ni Jeremiah. Hindi ko maitatanggi na gwapo ito. Chinito ito at maputi. Halata mo rin ang pagiging maskulado ng pangangatawan niya. "And you?" Tanong niya sa akin. "I'm Eliana, welcome to our band." Nakangiti kong pagtanggap sa kanya. As our hands met each other, another one came into our band. "Are you looking for a guitarist?" We all eyed the guy who has a guitar behind his back. May hikaw ito sa isang tainga. Kulay brown din ang mga mata nito at parang hindi pure pinoy. "Yes, and we're waiting for you!" Sinalubong agad ito ni Sofia kahit hindi pa namin alam kung sasali nga ito. "I'm Jayden, and I'm a guitarist." Nagulat ako ng inabot niya ang kanyang kamay sa akin. "I'm Eliana, welcome to our band, Jayden." As our hands met, little did I know, this is the man who will break my heart. clarixass
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD