Chapter 22 "Eliana," tawag ni Hailee sa akin matapos iyon marinig mula sa direktor na nasa aking harapan ngayon at galak na galak ang mga mata. Napalunok ako at hindi alam kung paano ako kikilos, o kung ano ang sasabihin ko. Ramdam ko ang mata ng lahat ng nasa cafeteria sa akin. Mas lalong kumakabog ang aking dibdib. "C-Can we talk outside?" Iyon lang ang tangi kong nasabi sa kabila ng aking panginginig. Nang makita niya na nasa akin ang tingin ng lahat ay tila ba'y natauhan ito at naintindihan ang sitwasyon ko. Simple lang siyang tumango at naunang tumalikod at agad ko naman siyang sinundan. "Eliana," ani Jayden at puno ng tanong ang mga mata. Namumutla ko sila na tiningnan. Their eyes are full of questions and disappointments. They were all surprised. At hindi ko inaasahan na sa g

