Chapter 27 Nang mag dinner ay pinilit ko ang sarili kong tumayo para sa attendance. I have no appetite. Wala akong kagana-gana, hindi lang sa pagkain kung 'di sa lahat. Pakiramdam ko ay wala ako laging sigla, lalo na kapag wala sila. Kapag mag-isa ako ay nararamdaman ko lahat ng pagod sa pagtitiis ko ng lahat ng sakit at sa pagpapanggap ko. Pagod na pagod na akong umiyak, ngunit mukhang walang katapusan ang mga luha ko na wala laging tigil sa pagbagsak at pagbasa ng aking mga unan sa gabi. "Nakakatamad, paulit-ulit na lang din ang buhay natin dito sa loob," pahayag ni Sofia habang magkakasunod kami sa pila. Jayden is here, kaya't kahit paano ay kampante ako. But I couldn't even look into his brown eyes. Pakiramdam ko ay sa kasinungalingan ako tumitingin sa tuwing titingnan ko ng matagal

