MINA "Mina, Mina anak! Bumangon ka na riyan. Imulat mo na ang mga mata mo, nag-aalala na si mama sa iyo." Ang mga salitang may halong pighati at lungkot ang lagi kong naririnig sa panaghinip ko. Gusto kong imulat ang mga mata ko para makita ko ang babaeng umiiyak, pero mahirap. Hindi ko magawa. Parang nasa isa akong masikip na lugar, siyang gusto kong tibagin para makawala. Malabo ang mga salitang madalas kong naririnig sa panaghinip, pero ngayon. . .parang totoo na ito. Malinaw ang mga salita para bang nasa realidad na ako. Malalim akong napasinghap, tuluyan ko nang naigalaw ang mga daliri ko kasabay ng kirot na naramdaman mula sa ulo ko. "Hm!" ungol ko nang mas lumala at naging malinaw pa ang sakit na iniinda ko. "Mina, anak!" bulalas ng babae. "Doc, ang anak ko!" Lumakas pa ang p

