SUNSHINE "Hindi ka ba pupunta ng Cafeteria or restaurant para kumain?" tanong ni Mina. Kanina pa niya ako niyayaya sa Cafeteria pero hindi talaga ako nakakaramdam ng gutom. Simula nang magtalo kami ni MC kahapon, nawalan na ako ng gana kumain. Nag-aalala tuloy ako dahil baka nago-over think na siya at isiping galit ako sa kaniya. Ang daya lang, bakit parang hindi niya ako sinusuyo o kinukamusta man lang. Hindi ko mawari, ngunit pagtapos kong sabihin sa kan'ya na 'wag na muna kami mag-usap ay tila ako naman ang naghahanap sa presensya niya. Siguro ay nasanay lang ako na lagi siyang nariyan. "Nga pala, simula nang mag-usap kayon no'ng American prince na tinagawag ng mga estudyante rito ay nagkagan'yan ka na. Binuly ka ba niya?" Tuon ang boong atensyon ni Mina sa akin, naghihintay ng isasa

