SUNSHINE "Maupo kayo. Nako, pasensya na at medyo makalat ang aming bahay." Nahihiyang sambit ni mama nang makapasok kami sa loob, saka diretso nitong tinungo ang kusina nang matapos niyang magpaalam. Malawak ang aking ngiting sinalubong ng tingin ang aming tahanan. Ilang araw lang akong nawala rito sa bahay ngunit ang pakiramdam ko ay napakatagal ng aking oras sa America. Sobrang na-miss ko ang atmospera rito. "Daddy, what's her name?" usisa ni Dianna nang makaupo kami sa sofa, nakatingin ito kay ate nang nagmamasid. Kasalukuyang nasa tabi ko si ate, pagitan namin ang isang maliit na lamesa. "She's your ate Shine's older sister. Her name is Willfae" Nagpatuloy ang pagbubulungan ng dalawa, dahilan pala iiwas ni ate ang mukha sa hiya. Marahil ay hindi pa niya nakakalimutan ang nakakahiy

