WILLFAE Sarado pa ang class room ni Dianna, hindi pa siguro tapos ang klase niya. Gusto ko pa naman siyang makita habang nag-aaral. Napasandal na lang ako sa pader habang hinihintay ang pagbukas ng classroom ni Dianna. "Miss, bago ka rito?" Lumapit sa akin ang tatlong babae, feeling ko magkakaibigan sila. "Opo," resonde ko rito. Nagkatinginan sila sa isinagot ko. "Ang ganda mong bata, sinusundo mo ba ang kapatid mo?" Napatango ako sa sobrang mausisa nito, para bang nagi-imbestiga. Magsasalita pa sana ang babae nang biglang bumukas ang pinto ng classroom, sunod-sunod doon lumabas ang mga estudyante. "Mommy, ang weird talaga ni Dianna, sabi niya may mommy siya pero wala naman," salubong ng isang batang babae sa babaing kumusap sa akin. "Hayaan mo na siya, wala kasi magulang na s

