THE FOLLOWING CONTENT IS RATED ❗SPG❗ What you are about to read contains a STRONG LANGUAGE ADULT THEME, which may be not suitable for some readers UNDER 18. Readers' discretion is strongly advised. SUNSHINE Sobrang tahimik sa lugar na ito, hindi ko alam kung nasaan ako. Binabalot ng kadiliman ang paligid, tanging pakiramdam ang paraan para baybayin ang aking kinatatayuan. Huling naaalala ko ay kasama ko si MC sa sofa ng condo. "Honey! Do you really love me?" Nage-echong boses ni MC ang narinig ko, ngunit madilim pa rin sa paligid halos wala akong makita. "Mc, nasaan ka?" Palingon-lingon ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ko siya. "Why. . .you want to leave me too?" Ang boses na kanina ay sa kanya, napalitan ng boses ng kung sino. Hindi na ito boses ng isang lalaki o kay MC

