SUNSHINE "Mina, okay ka lang ba talaga?" Alalang tanong ko kay Mina dahil kanina pa siya naghahabol ng paghinga. "Humanda sa akin 'yang lalaking 'yan, 'pag may pagkakataon makikita niya ang kinaklaban niya!" Namumula ito habang masamang tinitingnan ang sarili sa salamin. Kasalukuyan kaming nasa comfort room, hinila niya ako rito nang hindi na ito nakapagtimpi sa away nila ni Sam. Mahigit isang oras na rin kaming na'ndito, baka sabihin ng second class teacher namin ay nag-cutting kami. Bumuntong hininga si Mina bago ako hinarap. "Mauna ka na kaya pumunta ng class room, ayoko namang madamay ka sa problema ko," aniya, patuloy na kinakalma ang sarili. "Sure ka ba?" Nanunuri kong sambit. Tumango ito saka tinulak ako palabas ng cr at isinara ang pinto. Marahil ay sobra ang inis na nararam

