Chapter 5

1283 Words
"WOW! You look so gorgeous, hija!" Punong-puno ng paghanga ang boses at mukha ng ina ni Zoe nang salubungin siya nito sa sala. Napayuko ang dalaga para tingnan ang sarili. Isang boiler suit na mint green ang suot niya, na pinatungan niya ng trench coat na soft lavender ang kulay. Ang ganoong outfit ang isa sa pinaka-trending ngayon sa buong mundo. Maliit man siya kumpara sa iba, sa height na five feet and two inches, bumagay pa rin kay Zoe ang ganoong ayos. Dahil bukod sa slim ang katawan niya na may perfect chest and waistline, malaporselana pa ang kulay ng balat niya. Copper blonde naman ang kulay ng maalon-alon niyang buhok na lalong nagpatingkad sa kaniyang kagandahan. "Perfect outfit," dagdag pa ng ina. Napangiti nang malawak si Zoe. Bukod sa ama, ang Mommy Dahlia niya ang kaniyang number one pagdating sa fashion. "Well, how do you like it, Mom?" Humakbang siya nang dalawang beses paatras, at saka umikot para lalo pang ipakita ang kaniyang suot. "Maganda na po ba?" "I super love it, hija. Tinalo mo pa ako noong kabataan ko," walang tigil na puri sa kaniya ng ina. "Ibibili pa kita niyan pagpunta namin ng Daddy mo sa Paris." "Thanks, Mom. Kaya lumalaki ang ulo ko, eh," pabiro na tugon ni Zoe at yumakap sa ina. "I love you." "So sweet, sweerheart. Kaya hindi ka namin matiis," sabad naman ng kaniyang ama na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng newspaper. Nakangiting nilapitan ni Zoe ang ama at tinabihan ito. "Hindi man obvious pero I love this family, Dad," naglalambing niyang sabi. Pero kumunot ang kaniyang noo nang makita ang tasa na may lamang kape. "Coffee again? That's bad for your health, ah." "Talk to your dad, hija." Parang nakukunsumi na bumuntunghininga na lang ang mommy niya. "Napakatigas ng ulo. Ilang beses ko nang sinasabihan na bawal sa kaniya ang kape dahil tumataas na naman ang blood pressure niya." Nagmamaktol na tumabi si Mommy Dahlia sa asawa. "Pero ayaw makinig." Kinuha ni Zoe ang tasa at ibinigay iyon sa isa nilang serbidora na nakatayo sa isang sulok. Kung saan man sila naroon sa mansiyon na iyon ay may isa o dalawang helper ang nakabantay sa kanila. Nang sa ganoon ay mabilis silang mapagsilbihan. Kaya sandamakmak ang kanilang mga katulong sa bahay. Ganoon sila kamahal ni Daddy Herbert. Na handa itong magbayad ng maraming tauhan para lang hindi sila mahirapan. "Simula ngayon ay ayoko nang makita na nagkakape kayo, Dad, ha." Kinindatan ni Zoe ang ama. "Sige kayo, tatanda nang maaga si Mommy sa kasasaway sa inyo." Humarap si Daddy Herbert sa asawa at hinalikan ito sa noo. "I'm sorry, honey. Promise, hindi na ako magko-coffee. Just don't be mad at me," paglalambing nito sa mommy ni Zoe. Hindi nagtagal ay nawala ang pagkaasim ng mukha ng ina niya. Alam na alam talaga ng kaniyang ama kung paano ito suyuin. Mahirap nga naman tanggihan ang pagiging sweet ni Daddy Herbert, isa sa maganda nitong pag-uugali na namana ni Zoe. Pero kung gaano ito ka-sweet ay ganoon naman katindi kapag nagalit. Walang makakapigil. Kahit si Mommy Dahlia pa. "I'll go ahead, Mom, Dad. Baka maiwan ako nina Shantal," paalam ni Zoe pagkalipas ng ilang sandali. Bukas nakatakda ang launching ng newest design ng Louis Vuitton bag sa Japan. Katulad nang madalas mangyari, hindi na naman nakatanggi ang mga magulang ni Zoe, partikular na ang kaniyang ama, nang sabihin niyang gusto niyang bumili ng latest design ng Louis Vuitton bag. Imposible niyang mahila sa ganoong okasyon si Candice. Kaya mga kaklase ni Zoe noong college na katulad din niyang anak-mayaman at sunod sa luho ang makakasama niya. Si Shantal ang anak ng may-ari ng private plane na maghahatid sa kanila sa Japan. "You worry too much, hija. Kaya naman kitang ipahatid sa private pilot natin kapag iniwan ka nila," anang kaniyang ama. "I know, Dad. Pero mas exciting ang biyahe kapag maraming kasama." Tumayo si Zoe at humalik sa mga magulang niya. "Hindi ka na magbi-breakfast?" tanong ng ina. Umiling ang dalaga. "I'm on diet, 'Mom!" aniya at saka tinunton ang maindoor. "Mag-ingat ka," sabay na pahabol ng kaniyang mga magulang. Pagdating ni Zoe sa malawak nilang garahe ay kaagad na binuksan ni Mang Roldan ang kulay gray na McLaren Elva. Iyon ang ipinalit ng kaniyang Daddy Herbert sa sasakyan niyang lumubog noon sa baha. Wala naman iyon gaanong sira. Pero imposibleng gamitin pa iyon ni Zoe. Over her dead body! Kaya ibinenta na ng kaniyang ama sa buy and sell shop ng mga expensive cars. Sandaling natigilan ang dalaga nang sumagi sa isip niya ang lalaking tumulong sa kaniya noon sa baha. In fact, ilang araw na nitong ginugulo ang isip niya. Pero pilit iyong inignora ni Zoe. Duh, hindi ang katulad nito ang ookupa sa isip niya, 'no? Hindi siya matapobre. Pero ang lalaking iyon ay saksakan ng yabang sa katawan kahit mukhang wala namang maipagmamalaki. Napakasungit pa. And with those attitudes, mamamatay muna si Zoe bago siya magkagusto sa lalaking iyon. Guwapo at macho lang siya. But other than that, he's nothing. mataray na sabi pa ng isip ng dalaga. "Good morning po, Ma'am Zoe," nakangiting bati sa kaniya ni Mang Roldan. "Good morning," she responded nicely and smiled. "Aalis na po tayo?" Tatango na sana si Zoe nang maalala niyang hindi niya pala nailagay sa kaniyang Hermes bag ang cellphone niya. Ipapautos na lang sana niya iyon kay Mang Roldan o sa isang serbidora na nakatayo sa labas ng maindoor. Kaso hindi maalala ni Zoe kung saan niya iyon nailagay. Kaya napilitan siyang bumalik sa kuwarto niya na nasa third floor ng kanilang mansiyon. May elevator naman sila kaya walang problema. Nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay si Zoe. Ngunit natigilan siya nang marinig ang pag-uusap ng kaniyang mga magulang. "Anong oras ka na naman umuwi kagabi," anang boses ni Mommy Dahlia sa tonong nanenermon. "Stop what you are doing, honey. You are getting addicted. Baka kung saan na iyan hahantong. Hindi ka dapat na nagpapadala sa Lawrence Montemayor na iyon. Alam natin kung gaano siya kagahaman sa pera." Kumunot ang noo ni Zoe. Hindi niya ugaling makinig sa pribadong pag-uusap ng kaniyang mga magulang. Pero naintriga siya sa pahayag ng ina. Lalo pa at nabanggit nito ang pangalang "Lawrence Montemayor". Katulad ni Daddy Herbert ay kilala rin itong bilyonaryo sa buong mundo. Kaibigan at kasosyo ito ng kaniyang ama sa malalaking negosyo. Biyudo at halos triple ang tanda kay Zoe. Sa lahat ng kaibigan ng kaniyang ama ay ito lang ang hindi niya gusto. May hitsura naman sana kahit matanda na. Pero kilala itong sakim, lalo na pagdating sa pera. Ilang beses na rin niya itong nahuhuli na ninanakawan siya ng tingin. At diring-diri siya kapag nangyayari iyon. Pati dulo ng buhok niya ay kinikilabutan. Sa tuwing nagsusumbong naman si Zoe sa ama ay tinatawanan lang siya. Natural lang daw na hangaan siya ng mga kalalakihan dahil sa taglay niyang kagandahan. Eww that old man. Tumikhim si Zoe para ipaalam sa kaniyang mga magulang ang presensiya niya. Kaagad namang tumigil sa pagsasalita ang ina nang makita siya. Nahagip naman ng kaniyang mga mata ang pag-iiwas ng tingin ni Daddy Herbert. "May nakalimutan ka ba, hija?" "Ang cellphone ko po. Ako na ang kukuha," simpleng sagot ni Zoe at mabilis na nagpaalam. Inalis na niya sa kaniyang isip ang mga narinig. Dahil kahit magtanong man siya, siguradong hindi rin sasabihin ng mga magulang niya ang totoo. Kung sakaling may problema man. Ayaw ng kanilang mga magulang na masangkot pa sila sa problema ng mga ito. At malaki naman ang tiwala ni Zoe sa parents niya. So far, wala pa namang naging problema ang kanilang pamilya na hindi naresolba ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD